Advertisers
Ni JOVI LLOZA
WALA sa ina ni Janine Gutierrez na si Lotlot De Leon kung sino ang nagustuhan nito.
Besides nasa right age na rin si Janine at kung sino ang gusto nito.
Naitanong kay Lotlot kungdi ba ito tutol sa relasyon ng anak at ng rumored bf na si Paulo Avelino.
Tahimik pa rin ang dalawa sa kanilang status hanggang ngayon.
Ayon sa ina ni Janine ay never daw ito nakikialam lalo na lovelife.
Kaya ibinigay na ni Lotlot ang basbas na magkadyowa na ang anak lalo na nga raw nasa tamang edad na ito.
Sa kabila ng wala pa rin pag-amin sa dalawa ay inamin ni Paulo na lumalabas at nagde-date sila.
Kumuda ang netizens at naniniwala na matagal nang may relasyon ang dalawa at gusto lang daw ng mga ito na maging pribado ang kanilang relasyon at huwag mapagpiyestahan.
Kung sino man daw ang magustuhan ng panganay ni Lotlot at maligaya naman ito ay masaya na siya rito.
Suportahan lang niya kung saan masaya ang anak.
***
KATHRYN TRENDING ANG CPR SCENE SA TELESERYE
ISA sa viral at trending ay ang scene ni Kathryn Bernardo sa kanilang serye na 2G2BT.
Nurse ang role ng dyowa ni Daniel Padilla sa nasabing serye kaya knows nito ang mga first aid na gagawin kapag may mai-stroke.
Gulat ang production na nagawa perfectly ni Kathryn ang pag-CPR sa lalakeng na-stroke na kasama sa kanilang serye.
Kahit director ay gulat at nagawa ni Kathryn na parang prof ang dating nito.
Kahit ang bf na si Daniel ay napabilib sa real gf sa ginawa sa kanilang serye.
Kaya naman nag-trending ito dahil di sukat akalain ng netizens na magagawa ni Kathryn ang CPR scene sa kanilang serye.
At isa na lang ang naging reaksyon ng netizens, napa-OMG at nagalingan sa aktres.
Well, well well…Yun na!