AFTERNOON TALK SHOW NA “TONI,” NI TONI GONZAGA SA ALL TV MAGANDA ANG FEEDBACK; JC GARCIA DINUMOG NG PAGBATI SA BIRTHDAY
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
DAHIL never nagtagumpay ang bashers and trolls ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga, mukhang pahinga na sila at biglang tahimik. Pano walang nagawa ang pagngangawa nila sa social media nang kuning bagong endorser ng Shopee si Toni, dahil mas lumakas pa ang sales ng number one online Shopping Company.
Yes, very effective si Toni na celebrity endorser also her sister Alex Gonzaga. By the way, very happy si Toni at maganda ang natatanggap niyang feedback mula sa viewers ng kanyang afternoon Talk Show sa ALL TV AMBS2 na “TONI” na inyong mapapanood weekdays at 5:00 PM. First guest niya rito ang bestfriend niyang si Mariel Rodriguez Padilla. Marami rin ang naaliw sa one on one interview ni Toni sa sister na si Alex. May ipalalabas din na pelikula ang TV host-actress-vlogger ngayong December 25 na “My Teacher” na entry nila ni Joey de Leon sa Metro Manila Film Festival 2022.
***
NAPAKA-special ng pagdiriwang ng kaarawan last September 30 ng pinag-uusapang concert artist sa San Francisco, California na si Jc Garcia. Maliban kasi sa muling pumatok na part 3 ng kanilang “SIMPLY THE BEST” Concert sa Lucky Jade Restaurant sa Sacramento California kung saan kasamang nag-perform ang co-Magic Trio na sina Yolanda Siracusa at Michael Reyes Lobo at iba pang guest artists.
Dinumog din ng mga expensive gifts at cash at pagbati mula sa mga rich Asian friends ni Jc. Yes, umapaw talaga ang biyaya sa nasabing birthday ni Jc at libu-libo rin ang bumati sa kanyang social media account mula sa iba’t ibang bansa. Kaliwa’t kanan din ang nagpa-party sa kanya. Pinasasalamatan ni Jc ang lahat ng nakaalala sa kanyang kaarawan lalo na ng kanyang mga mahal sa buhay dito sa Pinas. Sa success ng kanilang concert sa Sacramento ay inaawitan sina Jc na magkaroon agad ng follow-up concert o Part 4 ng kanilang SIMPLY THE BEST.
Nakasabay pala nina Jc ‘yung concert ng Hollywood singer na si Michael Buble at 15 minutes away lang ang venue nila sa pinagdausan ng concert ni Michael. Pero dinumog pa rin yung SIMPLY THE BEST Concert nila ni Yolanda na Bff niya at kapwa recording artist.