Advertisers
NAGPUNTA si Julia Barretto kasama ang inang si Marjorie sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Biyernes ng umaga, September 25, para pormal na sampahan ng cybercrime complaint ang dating broadcaster na si Jay Sonza.
Ito ay dahil sa ipinakalat nitong maling tsismis sa Facebook page nito noong September 21, 2020 na buntis umano ang aktres, at ang ama ay ang nali-link sa kanyang si Gerald Anderson.
Nauna nang sinagot ni Julia ang post ni Jay sa kanyang Instagram account. Sabi niya ay isa lang itong fake news. Na hindi totoong buntis siya.
Sa interview ni MJ Felife kay Julia, sinabi nito ang dahilan kung bakit tinuluyan niya nang sampahan ng kaso si Jay.
Sabi niya, “Ang dami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na ring pinalampas lalo na sa social media, binastos na ang reputation ko, ang pangalan ko. I think I just want to show people na hindi ko na pinapalampas ‘yung mga bagay na ganito,” ani Julia.
Sobra ring nasaktan si Marjorie sa maling balita ni Jay ungkol sa kanyang anak.