Advertisers

Advertisers

Bianca King iwas-bash sa ginagawang exercise ngayong buntis; Angelica hirap maging padede mom

0 181

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BAGO pa man ma-bash si Bianca King na second trimester nang preggy sa mister na si Ramp Wintle, nagpaliwanag na ito.
Nakabase ang mag-asawa sa Sydney, Australia.
Sa latest post ni Bianca sa kanyang socmed account ay ipinakita nito ang ginagawa niyang exercise habang buntis.
May mga netizen kasing nag-aalala sa ginagawa ni Bianca lalo pa nga raw at preggy ito.
Ayon naman kay Bianca, ang ginagawa nitong workout ay nakatutulong para sa kanyang delivery if kabuwanan na nito.
Paliwanag pa ng aktres na nagpakunsulta nga raw siya sa kanyang doctor.
Kahit sino naman daw ina ay ubra na gawin ito basta magpapa-check up lang sila sa doktor paalala pa ni Bianca.
Dagdag pa ni Bianca, makakaiwas din ang mga ito na magkaroon ng diabetes dahil nabe-burn ang calories na na-take nila.
Nakatutulong naman para kay Bianca ang ginagawa nitong workout habang ito ay buntis.
Kaya never na nga raw ito maba-bash dahil inunahan na niya ito ng paliwanag.
Samantala, magbilas sina Bianca at Iza Calzado na buntis din sa dyowa na si Ben Wintle, ang asawa ng dalawang aktres ay magkapatid.
***
SA latest vlog ng newly parents na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan ay ibinahagi nito ang pagiging first time padede mom.
Inamin ng aktres na mas mahirap pa raw magpadede sa anak kaysa labor.
At least daw ang labor after ng 24 hours ay wala na ang hirap at sakit na nararanasan.
Hindi nga raw tulad ng pagpapa- breastfeed na ilang taong gagampanan.
Pero gagawin naman ito ng bagitong mommy na si Angelica.
Nang minsan ngang isama nila sa date ang kanilang Baby Bean ay nag-aalangan naman ang aktres na mag pa-breastfeed.
Isinilang ni Angelica ang unang supling nito lang September at nag-proposed naman si Gregg nitong October 8.
Well, well, well… ‘Yun na!