Advertisers
MAY pinakawalang linya si KAI SOTTO: ‘YOU ONLY LIVE ONCE. YOU DON’T KNOW HOW LONG YOUR CAREER IS. SO, AT A YOUNG AGE, JUST GO OUT AND EXLORE ..AND DO WHAT YOU THINK IS BETTER.”
This early maituturing na may KAI SOTTO fever na sa Sports world, hindi lang sa Pinoy community, pang-international na ang pasok ng isyu. Iba ang datingan ng ardent desire ni KAI na makapaglaro sa NBA bilang first Pinoy cager na mapabilang sa pamosong international league. Maliit pang bata nang mapukaw ng amang si ERVIN SOTTO ng ALASKA ACES sa top pro leaue PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION ang interes ng anak na lumaking super tangkad at basketball lover din tulad ng veteran cager na ama.
Malaking bentahe ang height ni KAI na 7’2’ to 7’3” sa edad 20, kaya madaling mapansin ng mentors at fans. Kahit pahirapan ang pagpasok sa NBA na unang sinubukan ng ilang standout at tunay na pambatong cagers natin, the mere fact na patuloy ang pagsisikap ni KAI na matupad ang childhood dream na maging NBA player, buhos ang suporta ng fans.
On the other hand, hindi mawawala ang negative remarks at kaisipan kaya maramin rin ang bashers. Nakadidismaya rin ang comments ng followers na sinusukat ang kakayahan ni KAI, “lampa, panungkit, mahina, bano.’ mga masasakit na salita na kulang sa abilidad ang pambato ng Pinas kahit kapwa naman sila Pinoy.
In the first place, makabubuti sana ang side comments kung considered constructive, pero below the belt ang ibang hirit na pwedeng ikadismaya ng sinumang young, aspiring athlete. Sa linya ni KAI na una naming binanggit, pasok ang saying na “There’s no harm in trying”, di po ba?
Well then, hindi po basta trying lang ang ginagawa ni KAI, not only trying hard, he is giving his best. In fact nakatuntong na siya sa NBA premises. Sa paglalaro sa NBL pre-season with ADELAIDE 36ers, ginulat niya ang Sports world sa biglang trending niyang pagbitbit sa 36ers, tinalo ang PHOENIX SUNS at umariba siya ng 11 points at nagpasiklab ng 3 points.
Impressive na tinawag siyang ‘FILIPINO LEGEND’ ng foreign commentators at tinutukan ng international fans. Biglang kambiyo naman si 36ers coach CJ’ It’s not all about KAI SOTTO. It’s ADELAIDE 36ers team’. Kaya bawas na ang playing time at exposure ni KAI. Di rin sya pinapasahan ng bola at binuwaya na ng ibang teammates ang laro. What do you think? Naalarma nga ba ang coach na isang Pinoy ang naka-outshine ng orig nyang players? Humihirit na naman ang bashers.. Para sa Pinoy ang laban ni KAI SOTTO, suporta ang kailangan mula sa kapwa Pinoy. Kung may discrimination or racism man na umiiral, malay natin, ang malinaw diyan, kung maging official NBA player ang manok natin, sisigaw tayo ng, “PROUD PINOY HERE!” HAPPY READING!
OCTOBER CHEERS
HAPPY BRTHDAY to Engr. FLORANTE SANTOS and Teacher KRISTINE JOIE S. GATBONTON of Bataan, ditto for MS. MARME LUCAYLUCAY of Alabang, NCR. More birthdays and blessings to come. HAPPYREADING!