Advertisers
alth (DOH).
Ang kadalasan na dahilan ay ang hindi pagsunod ng health protocols -pagsusuot ng face mask at social distancing.
Ngayon, hindi nakapagtataka kung bakit ang Rizal ay kadalasan napapasama sa talaan sa kabila ng panay naman ang panawagan ng lokal na pamahalaan na sumunod sa health protocols.
Pero ang siste, kahit na lantarang hindi sinusunod ang health protocols ay walang ginagawang hakbangin ang mga tauhan ng LGUs na kanilang pinaiikot – mga taga Task Force Discipline. Taga disiplina daw. Ngek!.
Halimbawa sa mga palengke, nakaparaming tindera na hindi nagsusuot ng face mask. Oo nga’t mayroon nang kautusan na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask pero ito ay sa mga open grounds lang pero kung nasa isang lugar na matao tulad ng palengke, dapat na magsusuot pa rin ng face mask.
E may umiikot naman ng mga taga-TFD sa mga palengke pero, wala silang kakuwenta-kuwenta dahil hindi naman nila pinagsasabihan ang mga taga-palengke o kung pagsabihan ay ningas kugon lang.
Kaya, hayun ang Rizal ay madalas na kabilang sa talaan ng DOH kung nagkakaroon ng surge sa bilang ng mga nahahawaan ng virus.
Heto ang isa pa sa matinding posibleng pinagmumulan ng hawaan. Ano iyon? Ang mga nagkalat na peryahan sa Rizal na prente ng mga ilegal na sugal tulad ng color game; high-low (drop ball) at iba pa.
Hindi naman lingid sa atin kaalaman na talagang nagkukompulan ang mga sugarol o mananaya ng mga color games na ito. E ano pa nga ang magiging resulta nito? Mananalo ka nga pero panalo ka rin ng virus, o talo ka na nga, magkaka-virus ka pa.
Nahawaan ka na nga, iuuwi mo pa ito sa inyong pamilya e di buong pamilya na ang mahawaan.
Ang masklap pa nito, karamihan sa mananaya maging ang mga nagpapasugal ay hindi nagsusuot ng face mask at obvious na walang social distancing. E sa baho pa ng kapaligiran dahil sa karamihan ay amoy pawis na, hayun naghahatsingan ang mga manlalaro kaya, ang resulta’y malaki ang posibilidad ng hawaan ng COVID 19.
Unfair naman sa ilan taga Task Force Discipline, kanilang sinisita naman daw ang mga ganitong situwasyon pero, ang lahat ay isang palabas lamang dahil sa inaabutan din sila ng mga nagpapasugal. Ops, hindi naman lahat ha.
Narito ang puwesto ng mga perya (daw) na prente ng pasugalan (color games) sa lalawigan ng Rizal; Brgy. San Lorenzo, Taytay; Brgy. Mambugan, Antipolo City; Brgy. Sta. Crus, Antipolo City; Brgy. Sampalok Tanay: Brgy. Macamot , Binangonan; Brgy. San Isidro, Antipolo: Brgy. El Dorado, Antipolo City; at ) Brgy. Dulong Bayan , San Mateo.
Iyan ang mga masasabi ngayon na mga peligrong lugar na isa sa maaaring magiging dahilan ng pagtaas ng bilang ng mahawaan ng COVID 19 sa lalawigan sa Rizal.
E bakit nga ba sa kabila ng lantaran ang paglabag ng mga pasugalan ng ito sa health protocols at maliban sa ilegal ito, bakit hindi hinuhuli?
Gusto niyong malaman kung bakit? Aba’y ano sa palagay ninyo mga kababayan? Hindi kaya may basbas ang lokal na pulisya sa mga ito maging ang ilan lider ng barangay?