Advertisers

Advertisers

Winwyn type maging copycat ng ermat na si Alma

0 178

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NANALONG Best Actress in a Feature Film si Winwyn Marquez para sa pelikulang Nelia sa 12th International Film Festival Manhattan.
Pinakaunang acting award ito ni Winwyn sa labingdalawang taon niya sa showbiz.
Ano ang reaksyon ng ina niyang si Alma Moreno ngayong may international acting award na si Winwyn?
Na naunahan pa niya ang mommy niya na maging Best Actress awardee.
“Ang sabi niya sa akin, hindi pa siya nagkakaroon ng award, tama ba ako? Happy siya kasi ako meron pero sabi ko sa kanya, ‘It’s not about the awards, it’s how long you are in the industry.’
“Until now nandito siya. So kahit gaano kadaming award meron ka kung wala ka na sa showbiz after that wala rin.
“So sabi ko, ‘Ma ang gusto kong mangyari is I’ll be in the industry till I’m sixty-two, sixty three!’
“Yung matatandaan ako. Kahit wala akong award pero yung magawa ko yung nagawa niyo, kayo ni daddy. So iyon yung nasa isip ko.”
Labis ang pasasalamat ni Winwyn sa AQ Prime na siyang producer ng Nelia.
“Kasi sila talaga yung naniwala sa akin. They believed in me in my capabity in being an actress and they gave me work during the height of the pandemic kung kailan walang work lahat!
“So sobrang thankful ako sa kanila kasi parang yung drive mong magtrabaho kasi nga nakatengga ka ng matagal, di ba?
“Mas naging passionate pa ako nung time na yun and it’s because of AQ Prime, na naniwala talaga sila sa akin and now namunga pa ng isang international award na Best Actress na hindi ko talaga inaasahan.”
Bukod sa Best Actress win ni Winwyn ay kumita pa ang Nelia noong ipalabas ito sa mga sinehan during the MMFF at ngayon ay number 1 sa streaming app ng AQ Prime.
***
KAUNTING backgrounder tungkol sa naging showbiz career ni Sebastian Castro dito sa Pilipinas.
“January 2011 was the first time I’ve ever visited the Philippines tapos second day pa lang I was cast in a commercial for Sun Cellular Broadband, yun ang unang-una kong project sa Pinas.
“Tapos from there I did a Jollibee TVC, for Pantene Hair and a couple billboards and eventually I had a Youtube channel where I came out of the closet around the same time I did my Bubble music video.
“That got millions of views.
“And then shortly after that I started doing TV projects.
“From 2011 I left the Philippines in 2020 dahil sa pandemic, just before the March 2020 lockdown,” kuwento sa amin ni Sebastian via Zoom.
Isa sa mga nagawa niyang proyekto ay ang pelikulang 4 Days na isang gay-themed film na pinagbidahan nina Sebastian at Mikoy Morales noong 2016.
“It was a feature film where I was in a lead role, si direk Adolfo Alix, Jr. yung direktor. But other than that, lots of supporting roles and you know minor roles, I was always happy to accept indie projects in between years.
Nagbabalik sa pag-arte sa harap ng kamera ang male actor/model via the international BL (Boys Love) series na pinamagatang Stay.
Gaganap si Sebastian sa Stay bilang Pilipinong direktor na si Andre na susubukan ang kanyang kapalaran sa Amerika.
Tampok din sa Stay ang American theater actor na si Ellis Gage bilang si Joshua, ang love interest ni Andre, ang Filipino drag queen na based na sa US na si Bombalicious Eklaver bilang si Mikyla na bestfriend ni Andre at si Lotlot de Leon bilang ina ni Andre na si Grace.
Sina Dexter Paglinawan Hemedez at Allan Michael Ibañez ang series creator ng Stay.
Abangan sa Facebook page at Youtube channel ng Team Campy Entertainment (kumpanya na nag-produce ng Stay) ang marami pang updates, photos at videos, release date at platforms tungkol sa nabanggit na BL series.