Advertisers
Kung ako sa inyo mga residente ng Barangay Perez partikular sa mga naninirahan sa Phase 3D at Phase 4 ay huwag na kayong umasa pa na papansinin ng inyong Brgy. Chairman ang matagal na ninyong problema pagdating sa peace and order mag sariling ronda na lang kayo.
Alam po ba nyo mga Ka Usapang HAUZ ginagawang palabigasan ng mga Akyat bahay Gang ang Las Villas Sto Nino Subdivision lalong lalo na itong phase 3D at phase 4, eh limang bahay lang naman ang halos magkakasunod na pinasok ng mga kawatan walang aksiyon ang Brgy. “Nganga”
Sa kasalukuyan mga Ka Usapang HAUZ ayon sa ating impormante may bago na namang umanong biktima ng Akyat Bahay ito ay sa Phase 4, kaya kung hindi gagawa ng aksiyon ang tinaguriang accidentall Brgy Perez, Meycauyan Bulacan Chairman Harold Anonuevo ay mas nakabubuti sigurong manalangin na lang kayo na multuhin ng namayapang Brgy. Kapitan Anthony Camacam itong si Anonuevo baka sakaling umaksiyon.
Kaya yung ibang nakatira sa nasabing Subdivision ay nagbabalak ng ibenta ang kanilang ari-arian at lumipat sa ibang lugar kung wala rin namang pagasang kumilos ang mga taga brgy asan na ang peace of mind?
Ewan lang po natin mga Ka Usapang HAUZ kung gaano katutuo na kaya hindi kayang masolusyunan ng kasalukuyang nakaupong Chairman Anonuevo ang problema ay abala ito sa pag-utos sa hepe ng Tanod na si retired policeman Herman Berciles sa pagiikot sa mga illegal vendors sa lugar kaya ang serye ng nakawan sa kanyang nasasakupan ay bale wala na
Alam nyo po ba mga Ka Usapang HAUZ na ito palang si Ex-O Berciles na kanang kamay ni kapitan ay hindi pala residente ng brgy Perez ito ay nakatira sa brgy. Camalig kaya naman balewala sa kanya kung magkanakawan pa ng sunod sunod sa brgy. Perez, basta ang alam nito ay umikot at umikot sa mga ka iligalan.
Eto pa mga Ka Usapang HAUZ gaano katutuo kapitan Anonuevo na ang bagong bagong brgy service vehicle na isang Toyota Hilux ay ginagamit nyo sa mga personal na lakad? Kaya ang mga residente ng brgy. Perez ay may katanungan kay DILG Secretary Benhur Abalos kung may bago na bang kautusan ang ahensiya na inilabas sa paggamit ng government vehicle pang personal?
Muntik ko nang malimutan ito ay para sa kaalaman ng butihing Chief of Police ng Meycauyan na si Lt. Col. Jordan Santiago, nais ng mamamayan ng Brgy Perez na magsagawa ang Sangkapulisan ng surprised drug test sa mga empleyado partikular sa mga tauhang Tanod ni hepe Berciles na umanoy may mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
***
Labis ang kasiyahan ng mga de boto ng San Lorenzo Church sa Sitio San Lorenzo, Brgy Sta Ana Taytay Rizal sa kautusang ipinalabas ng butihing Alkalde sa pagpapasara ng isang peryahan sa tabi ng Simbahan dahil sa pagkakaroon ng ilegal na sugalan.
Tahasang ipinag-utos ni Taytay Mayor Allan De Leon ang kanyang derektiba sa pagpapasara ng pergalan ng isang nagngangalang Mang Bert at direkta nitong inutusan ang kanyang Media Relation officer na si Jojit Alcantara na agad iparating sa kaalaman ng magiting na Taytay PNP Chief Lt. Col. Norman Cas-Oy nang sa gayon ay walang masabi ang mga de boto ng nasabing Simbahan.
Mismong ang Usapang HAUZ ang nakausap nitong si MRO Alcantara at masayang ibinalita sa inyong lingkod ang mabilis na aksiyon ng kanyang mayor Allan sa pagpapasara ng ilegal na sugalan tulad ng color games, drop ball at iba pang sugal na kinababaliwan ng mga nagsisimba kabilang na ang mga menor de edad.
Ayon sa impormasyong nakarating sa Usapang HAUZ, nag-utos itong si mayor De Leon sa kanyang MRO nitong nakalipas na Biyernes ng agarang pagpapatigil sa ilegal na sugal at ng kahilingan ng alkalde ay ang mga rides at iba pang paglilibangan ng mga tao ay ituloy dahil sa kaarawan ng Fiesta.
Subalit magpahanggang ngayon ay bukas at patuloy sa pamamayagpag ang sugalan sa tabi ng Simbahan na pag-aari ni Mang Bert ni hindi kumikilos ang Taytay PNP sa pangunguna ni Col. Cas-Oy.
Muling tumawag sa Usapang HAUZ itong si MRO Alcantara at sinabi sa inyong lingkod na binalewala ng kasalukuyang hepe ng Taytay PNP ang kautusan ni Mayor Allan kung kaya’t tuloy pa rin ang pamamayagpag ng sugalan ni Mang Bert na mas lumala pa ang sitwasyon dahil may mga nagsasabing ginagawanna ring tambayan ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang peryahan upang duon na mag trip.
Sa tagal ng inyong lingkod sa pag-cover ng mga balita sa Rizal Province at Eastern part ng MM ay ngayon lang po ako naka engkuwentro na hindi pinansin ng isang Chief of Police ang kautusan ng Mayor o baka naman wala talagang kautusan na inilabas itong si Mayor De Leon kung kaya’t hindi sumusunod si hepe o baka naman talagang bagyo itong si Mang Bert sa dalawa tanong natin kay Jojit Alcantara?
Sa ganang amin mga Ka Usapang HAUZ harapang pambabastos sa Simbahang Katoliko lalong lalo na sa mga de boto ng San Lorenzo Church ang sugalan sa peryahan kung kaya’t sa hindi pagaksiyon ng dalawang opisyal sa pangunguna ni Mayor De Leon at Col. Cas-Oy ay mukhang tutuo na malaki ang ipinarating ni Mang Bert, kaya si DILG Sec. Abalos siguro ang dapat ng magimbestiga sa inyo kung sino ang Bulaan siguro hindi ikaw mayor Allan? Bukas ang espasyo ng Usapang HAUZ para sa inyong reaksiyon
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036