Advertisers

Advertisers

Korte Suprema pinigilan pag-upo ng Pasahero PL bet para kinatawan ng Magsasaka PL

0 1,025

Advertisers

NAGLABAS ang Supreme Court ng ‘Status Quo Ante Order’ noong Miyerkoles, October 19, 2022, sa kaso ng MAGSASAKA Party-List vs. COMELEC (G.R. No. 262975), para pigilan si Roberto Gerard Nazal Jr. ng Pasahero Partylist sa pag-upo bilang kinatawan ng MAGSASAKA Party-List sa 19th Congress.

Sa kanilang 2-page resolution, inatasan ng Supreme Court ang petitioner, respondents at kanilang agents, representative, o ang taong umaakto sa kanilang puwesto na manatili sa dati nilang kalagayan bago ang pagpahayag ng National Board of Canvassers (NBOC) Resolution No. 22-0953 na may petsang September 14, 2022 na nagkumpirma sa proclamation ni Roberto Gerard L. Nazal Jr. bilang kinatawan ng MAGSASAKA Partylist.

Ikinatuwan naman ng mga magsasaka ang naging aksyon ng Korte Suprema.



“Our friends and supporters in the agriculture sector welcome this positive development with great optimism. It is an important first step to thwart the hijacking of the partylist system and subvert the integrity of the ballots and the votes cast by small farmers who have historically been marginalized and excluded and thus want to be genuinely represented in Congress through the partylist system” sabi ni Danny Carranza, Secretary General ng ‘Kilusan Para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan’ (KATARUNGAN) at Board Member ng Magsasaka Partylist.

Nitong Miyerkoles, sumugod ang mga magsasaka mula sa mga probinsiya ng Region III, IV-A, Visayas at mga suporter ng MAGSASAKA Party-List sa National Capital Region sa national office ng COMELEC sa Intramuros, Manila at pinagbabato ng mga bulok na produkto ang harapan ng Palacio Del Gobernador. Tinawag nila si Nazal na “Hijacker” at “Fake Representative of Farmers”. Anila, kailanman ay hindi ito naging miyembro ng MAGSASAKA Party-List at hindi nangampanya at hindi binoto tulad nila.

Si Nazal ay founder at nominee ng PASAHERO Party-List, isa sa mga natalong Party-Lists nitong May 2022 national elections.

Samantala, hinikayat ni ex-MAGSASAKA Rep. Argel Joseph Cabatbat ang kanilang mga miyembro, supporters at publiko na manatiling vigilant, dahil ang kaso sa Korte Suprema ay nagsisimula palang. “We may have won in the first step in the Supreme Court, but remember that our enemy is very powerful and capable. But the truth is the most powerful tool we can use to prevent a pretender from robbing us of our voice in Congress.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">