Advertisers

Advertisers

Sa smuggling kumikita ang Customs at DA officials; at ang NIA Administrator

0 320

Advertisers

MULING nabuhay ang usapin sa smuggling partikular sa agriculture.

Ito’y nang ipangalandakan ng Bureau of Customs ang nasabat nilang halos 2,000 metric tons ng smuggled na asukal mula sa Thailand kamakailan. Ang nagpasok raw nito ay isang “Paul Teves”.

Sa Senate inquiry ng nakaraang 18th Congress, naglabas ng committee report si noo’y Senate President Tito Sotto tungkol sa mga smuggler ng agricultural products. Kabilang sa 22 pangalan na isinapubliko ni Sotto ang Paul Teves at Gerry Teves. Hindi ko lang sure kung magkapatid ito. Pero ang “Teves” ay kilalang kilala sa Customs na mga smuggler. Kahit itanong nyo pa sa mga opisyal ng BoC noon at ngayon. Tama ba ako, Bambi Purisima?



Ang iba pang pangalan sa listahan ni Sotto ay sina: BoC Chief Leonardo Guerrero, DA Usec Ariel Cayanan, Boc Dep. Comm Ranie Romero, BoC Dep. Comm. Vener Baquiran, BoC Director Geofrey Tacio, Atty. Yasser Abbas (BoC), BPD Dir. George Culaste, BFAR Did. Eduardo Gongona, Laarni Roxas (BFAR), Toby Tiangco (smuggling protector BFAR products), Mayor Jun Diamante, David Tan alyas Bangyan, Manuel Tan, Jude Logarta, Leah Cruz alyas Luz o Lilia Matabang Cruz, Andy Chua, David Tan Bangayan, Tommy Go at Wilson Chua.

Ang mga pangalang Teves, David Tan at Leah Cruz ay bukam-bibig na ito sa smuggling sa Customs. Pati yung Michael Yang, Andrew Chang at Manuel Tan na sinasabi ni Senador Raffy Tulfo. Sila ang mga gatasan ng Customs officials mula noon hanggang ngayon. Mismo!

Pero sa kabila ng maraming beses nang nahuli kuno ang mga kargamento ng mga nabanggit na smugglers, nandiyan parin sila, hindi nakulong, tuloy parin ang kanilang negosyong pandaraya sa gobyerno.

Sabi nga ni Sen. Tulfo: “Moro-moro” lang ang anti-smuggling drive ng Department of Agriculture (DA). Sa totoo lang, kasabwat din sila ng smugglers. “Tongpats” sila! Hinuhuli lang nila ‘pag nabubuking! Mismo!!!

Well, tingnan natin ngayong si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na mismo ang tumatayong Agriculture Secretary at ang kanyang “Super Ate” na si Senador Imee Marcos ang bomobomba na hulihin, kasuhan at ipakulong ang smugglers, kung may mangyayari sa mga mandarayang importers. Tutukan!



***

Napakaganda ng ginagawa ng bagong administrador ng National Irrigation Administration (NIA) na si Benny Antiporda. Personal niyang binibisita, kinakausap ang mga asosasyon ng irrigators sa mga probinsiya. Tinitingnan niya ang mga proyekto rito kung maayos o kailangan pang i-improve para lalong maging masagana ang ani ng mga magsasaka.

Sabi ng mga irrigator, ngayon lang sila nakatagpo ng NIA Administrator na umiikot sa kanilang lugar at kanilang nakakaututang dila. Mismo!

Well, para sa mga magsasaka na hindi pa lubos na nakakakilala kay Antiporda, siya ay isang mamamahayag, may-ari ng tabloid na Remate. Dati siyang presidente ng National Press Club, ang pinakamatandang samahan ng mga mamamahayag sa bansa.

Bilang dating mamamahayag, alam ni Antiporda ang problema ng mga magsasaka. Alam niya kung paano ito bigyan ng solusyon. Pang-masa si Benny. Arok niya ang puso’t damdamin ng magsasaka. Mabuhay ka, pare ko!