Advertisers

Advertisers

AMADO BAGATSING AT CARLO LOPEZ, BUMATI KAY MAYOR HONEY LACUNA

0 164

Advertisers

Nitong nakaraang October 11 ay nag-cover ang inyong lingkod sa35th Chapter Biennial Assembly ng Philippine Red Cross- Manila Chapter na ginanap sa Manila Hotel.

Doon ay aking personal na nasaksihan ang pagkakabati-bati nina Manila Mayor Honey Lacuna, dating 5th district Congressman Amado Bagatsing at dating Tondo Congressman Carlo Lopez.

Ang nangyari, pagdating ni Mayor Honey ay doon ito pinaupo ng mga usher sa lugar na binakante ni dating third district Rep. Harry Angping.



Bagamat nakita ni Mayor Honey na si Bagatsing ang kanyang makakatabi, tumuloy lang ito sa pag-upo pero bago niyan ay nagbatian naman sila nang maayos ni Bagatsing na kanyang nakalaban sa halalang pang-alkalde nitong nakaraang eleksyon ng Mayo 2022.

Napuna kong lumapit din si Lopez, na ang kaangkang si Alex Lopez ay nakalaban din ni Mayor Honey. Nagbatian din sina Rep. Carlo at Mayor Honey, na parang walang naganap na away-pulitika sa pagitan nila.

Maganda ang ipinakita ng tatlong pulitikong ito, na dapat pamarisan ng iba.

Sa totoo lang, in fairness kina Carlo at Bagatsing, hindi naman sila gaanong nag-ingay lalo na nung matapos na ang bilangan sa Maynila.

Sa ipinakita nilang pagbati nang maayos kay Mayor Honey, naging maginoo sila at ibig sabihin ay tanggap na nila ang naging resulta ng eleksyon.



Hindi sila katulad ng ibang natalong kandidato na hanggang ngayon ay abala pa rin sa paninira sa kampo ni Mayor Honey at walang ipinipilit sabihin kundi ang sila ay dinaya.

Di bale sana kung manipis ang inilamang ni Mayor Honey sa mga nakalaban niya. Ang nakuhang boto ni Lacuna ay 538,595 votes.

Siya ay sinundang malayo ni Alex na may 166,908 na boto at Bagatsing Amado na nakakuha ng 118,694 na boto. Kung pagsasamahin ang boto nina Alex at Bagatsing, lalamang pa din si Mayor Honey ng 252,993 na boto, kaya wala talagang kapararakan kung kukuwestiyunin pa ang pagkapanalo ni Mayor Honey.

Nagpakita din ng pagiging good sport si Mayor Honey nang malugod niyang binati sina Carlo at Bagatsing, na kanya pang binanggit sa kanyang speech. Ganito ang talagang dapat na mangyari, ang isantabi ang pulitika dahil isang araw lang naman ang eleksyon. Dapat, pagtapos ng eleksyon, tapos na din ang pulitika.

Kaso, may mga pulitikong hindi marunong tumanggap ng pagkatalo.

‘Yan ang mga klase na hindi talaga dapat pagkatiwalaan ng boto dahil hindi magandang ehemplo, di lamang sa mga residente ng Maynila kundi maging sa mga kabataan na may interes pumasok sa pulitika balang araw.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.