Advertisers
NAGLINGKOD sa buong anim na taon ng termino ni Rodrigo Duterte si Jay Santiago bilang general manager ng Philippine Ports Authority (PPA), isang government owned and controlled corporation (GOCC) na may kapangyarihan na pamahalaan at pangasiwaan ang mahigit 100 daungan ng sasakyang pandagat sa buong Filipinas. Matunog ang balita na nais ni Santiago na manatili bilang GM ng PPA bagaman tapos na ang termino ni Duterte.
Political appointee si Santiago at coterminus niya si Duterte. Magkasabay silang aalis sa poder sa sandaling matapos ang anim na taon na termino ng pangulo ng bansa.
Nilalakad umano ni Jay Santiago na muli siyang italaga ni BBM sa PPA, bagaman matunog ang balita na hindi siya karapat-dapat manatili sa sensitibong posisyon dahil inirereklamo siya ng mga kawani ng PPA dahil sa tatlong maanomalyang transaksyon sa pagbili ng mga kagamitan para sa mga pangunahing daungan ng bansa.
Mukhang nasarapan sa poder si Jay Santiago at ayaw na niyang bumaba kahit iba na ang nakaluklok sa Malacanang. Sa isang sulat na isinumite ng mga empleyado ng PPA sa Office of the Ombudsman, inireklamo si Jay Santiago sa overpricing ng mga inangkat na equipment na binili ng kanyang opisina.
Mawawalan ang gobyerno ng kabuuang P200 milyon sa tatlong transaksyon, ang kanilang babala sa sulat na isinumite noong Biyernes kay Ombudsman Samuel Martires.
Inakusahan ng mga empleyado si Jay Santiago ng pagtalikod sa sa mga itinakdang alituntunin sa pagpuno ng mga bakanteng posisyon sa PPA. Dahil pinili niya ng personal ang mga taong uugit sa mga bakanteng posisyon, mayroong demoralization umano sa mga kawani ng PPA, anila.
“We would like to inform your office that several personal actions taken by Atty. Jay ‘Santiago caused demoralization among Department Heads of the Agency by employing and appointing outsiders or non-PPA coming from other agencies, a total disregard of the “qualified next-in-rank rule” in filling up vacant positions,” anila.
“As a rule and matters of procedure, vacant positions in the Agency are filled up thru the recommendation of the Selection and Promotion Board of the Agency as required by the Civil ‘Service Commission. However, the recommendations of the Selection and Promotion Board in filing up several vacant Department Head Positions were totally disregarded by Atty. Jay Daniel R. Santiago by appointing his protégées to said vacant positions,” anila.
***
IPINALIWANAG ng mga empleyado sa kanilang sulat kay Martirez na noong 2019, pinayagan umano ni Jay Santiago ang pagbili ng 12 units ng body scanner machines mula sa Boston Home Inc. sa halagang P13,980,000 kada unit. Nakagulat ang transaksyon dahil ang pinakamababa tatlong kasali sa bidding ang alok ng Infinite System Technology Corp. sa halagang P192,000 kada unit.
Noong 2019, kinontrata ni Jay Santiago ang pagbili ng 25 unit ng baggage X-Ray machines mula sa kompanyang Defense Protection System Philippines sa halagang P7,595,520 kada unit kahit na ang pinakamababa sa tatlong bidder, Integrated Security & Automation, ang alok na ibenta ang kaparehong unit sa halagang P2,593,152 kada unit, o tatlong ibayong mababa sa halagang ibinigay ng nanalong bidder.
Sa isa transakyon noong 2019, pinayagan ni Jay Santiago ang pagbili ng 22 unit ng seismic accelerograph machines mula sa kompanyang Filipino Technology Corp. sa halagang P4,858,865 kada unit. Pinakamababa ang alok ng isa sa tatlong bidder, Integrity One Global Tech,, sa halagang 1,4500,000 kada unit, tatlong ibayo na mababa sa halaga ng nanalong bidder.
Nawalan umano ang gobyerno ng kabuuang halaga ng P203,290,470 sa tatlong transaksyon, ayon sa mga nagrereklamong kawani ng PPA.
***
TALAMAK ang korapsyon sa gobyerno. Kabi-kabila ang mga anomalya sa gobyerno. Minsan inireklamo ni Punong Mahistrado Ma. Lourdes Sereno na labi na nakakaeskandalo ang nakawan sa pamahalaan sapagkat wala na ito sa antas ng milyong piso. Umabot na sa bilyon-bilyon piso ang mga ninanakaw, aniya.
Isa ang kawalan ng katatagan ng mga institusyon ng gobyerno kaya malala ang nakawan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Pinapatunayan ng kanilang kawalan ng katatagan ang iginigiit na katwiran na isang “soft state” ang Filipinas. Malambot na estado sapagkat madaling masalaula ng mga buktot na opisyales upang makapagnakaw.
Isa sa mungkahi ang patuloy na pagpapalakas ng public sector unionism, or unyonismo sa publikong sektor. Malakas malakas ang unyon ng mga empleyado, nagsisilbi itong balakid at pambalanse upang masugpo ang nakawan.
Ngnut ayaw nilang mga nasa poder ang lumakas ang mga unyon sa gobyerno. Mistulang bato na ipukpok nila sa kanilang ulo ang mga malalakas na unyon sa gobyerno. Hindi sila baliw upang sunugin ang kanilang sarili.
***
BINABATI namin ang broadcast journalist na si Atom Araullo dahil nanalo siya ng Palanca Award sa kanyang sanaysay “Letter from Tawi-Tawi.” Lumaki sa broadcast si Atom. Marunong siyang sumulat. Mayroon siyang kakaibang galing na wala sa sampu-singkong mamamahayag sa broadcast na hindi marunong sumulat. Hindi maaaring isama si Atom kina Tunying, Kabayan, at Mike Enriquez na hindi marunong sumulat. Hanggang daldal lang. Maririnig mo sila sa umaga at malilimutan ang mga sinabi bago ka kumain ng tanghalian.
***
MGA PILING SALITA: “Sabi ng isang law student sa akin, ‘Tama naman ang itinuturo sa law school, pero parang hindi pinapairal sa mga panahon ngayon. O parang bawal pairalin. Nakakalungkot, no?’” – Ogie Diaz, netizen, komedyante
“Kidnappings for ransom and hired killings (or murders) are usually compartmentalized activities. In kidnapping for ransom, the compartmentalization is a little complicated. The guys, who do the casework on the routine activity of the kidnap victims, are different from the guys, who would do the actual kidnap. They may or may not know each other. When the kidnaping is consummated, the kidnapped victim would be given to another group, who will take care of him. Again these guys may be known or not known to the other guys. They guys, who will negotiate the ransom money, or get it from the families of the victims may be different from the group which takes care of the kidnapped victims. And the guys who will release him back to his family upon payment of the ransom money are different from any other groups. The strings are pulled by a mastermind who is not known to all groups. This is to deter detection. The same principle could apply to hired killings.” – PL, netizen