Advertisers

Advertisers

Partisipasyon ng Maynila sa C40 World Mayors Summit, tagumpay – Acting Mayor Yul Servo

0 201

Advertisers

INIULAT ni acting Manila Mayor Yul Servo-Nieto na tagumpay ang partisipasyon ng Manila city government sa katatapos na C40 World Mayors Summit sa Buenos Aires, Argentina.

Sa kanyang pagharap sa mga opisyal at empleyado ng City Hall sa regular flagraising ceremony nitong Lunes ng umaga, nabatid ni Servo-Nieto mula mismo kay Mayor Honey Lacuna na ang city of Manila ay opisyal ng kasama sa listahan bilang miyembro ng GCOM o Global Covenant of Mayors for Climate at World Cities.

“Naging mabunga ang pakikilahok ng Team Manila, sa pangunguna mismo ng ating masipag na Mayor Honey Lacuna-Pangan, sa nasabing summit kung saan ay naibahagi nila Ate Honey ang mga payak na kahandaan ng ating lungsod sa mga epekto ng pagbabago ng klima,” sabi ni Servo-Nieto.



Si Mayor Honey ay sinamahan sa kanyang opisyal na gawain nina Manila Disaster Risk Reduction Management Office chief Arnel Angeles, department of public service chief Kayle Amurao, City Health Officer Dr. Arnold Pangan, Councilor Numero Uno Lim na chairman Manila City Council’s committee on international relations at Councilor Tol Zarcal na chair ng committee on environmental protection and climate change.

Samantala, iniulat din ni Servo-Nieto na aktibong nakilahok ang lungsod sa 35th anniversary ng Metro Manila Center for Health Development sa ilalim ng Department of Health, noong October 14.

Nabatid na binigyang pagkilala sa nasabing pagtitipon ang aktibong pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan ng Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Pangan.

Inanunsyo rin ng acting mayor na lumahok din ang city government sa KASIMBAYANAN program na inilunsad ng Manila Police District kung saan ang papel ng Simbahan at pamayanan bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at pagsugpo sa kriminalidad at banta ng terorismo ay binigyang pagkilala.

“Salamat sa ating MPD sa pangunguna ng ating District Director General Andre Dizon sa patuloy nilang pangangalaga sa ating lungsod at sa lahat ng mga kapwa natin Manilenyo,” sabi pa ni Servo-Nieto. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">