Advertisers
DAPAT kumillos itong sina PNP Chief Gen Rodolfo Azurin Jr., Region 4A Director Jose Melencio Nartatez Jr. at Cavite Police Director P/Col Christopher F. Olazo – pahuli ang isang nangangangalang “TAGOY” na ang lakad ay mangolekta ng lagay o tongpats sa mga operators ng sakla sa lalawigan ng Cavite.
Wala sanang kuwestiyon kung ang pangongolekta ng tong ay pansarili lamang ni Tagoy, pero sa kanyang pag-ikot sa sakla dens at iba pang iligal na sugal ay kara- karay niya ang mga pangalan ng PNP Chief, R4A Police Director at PD ng Cavite.
At wala sigurong masama kung pati si Gov. Junvic Remulla ay pasilip ang nasagap na ulat ng SIKRETA na panggagamit din sa kanyang pangalan ni Tagoy sa kanyang malawakang tong activities.
Sa ganang atin, bilang matataas na opisyales ng Pambansang Kapulisan, di dapat pumapayag sina Azurin Jr., Nartatez Jr. at Olazo na nakakaladkad ang kanilang mga pangalan sa tong collection dahil ito’y hindi naaayon sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga alagad ng batas.
Ang pagtanggap ng lagay o tong money na nanggaling sa iligal na sugalan ay masama. may kaakibat itong parusa na pagkakulong (criminal) at pagka-dismiss o pagka- tanggal sa trabaho o serbisyo (administrative), ayon sa umiiral na alituntunin at batas ng PNP.
Sa bahagi ni tong collector Tagoy, siya’y makakasuhan sa kanyang tong activities, ganon din sa panggagamit niya kina Azurin Jr., Nartatez Jr. at Olazo kapag napatunayan ng korte na may katotohanan sa mga bintang sa kanya.
Sa buong Cavite at maging sa buong rehiyon, lalo na sa sirkulo ng kailigalan, mabahong- mabaho ang mga pangalan at imahe nina Azurin Jr., Nartatez Jr. at Olazo dahil sa lantarang pangongolekta ni Tagoy ng weekly tongpats sa mga sakla financiers at sa iba pang vice operators para daw sa tatlong PNP officials. Malamang na hindi ito alam ng mga nasabing PNP top brasses, lalo na ni PDG Azurin Jr?
Malaking eskandalo at kahihiyan ang kumakalat na balitang ito na di dapat palagpasin nina Azurin Jr., Nartatez Jr.at Olazo.
Hindi lang dapat arestuhin, kundi ipagharap ng tatlong magiting na opisyales na ito ng Pambansang Kapulisan ng sakdal si Tagoy na tila hindi natatakot sa kanyang ginagawa dahil pati na pangalan ng Cavite Governor ay ginagamit niya sa panghaharbat sa mga sakla operator at iba pang ilegalista.
Dapat kumilos na sina Azurin Jr, Nartatez Jr.at Olazo padakma nila si Tagoy dahil ang patuloy nilang pananahimik sa panggagamit sa kanilang pangalan sa isyu ng sakla at gambling tongpats sa Cavite ay magdadala ng duda sa isipan ng taumbayan sa kanilang liderato at pagkatao bilang maaasahang opisyales ng PNP na naturingang protektor ng lipunan.
Dapat din agad nilang ipasara ang lahat ang mga saklaan sa mga bayan ng Tanza at Indang na siyang ugat ng kademonyuhan ni Tagoy. Nakatakda pa na magbukas din ng mga sakla joints sina Tagoy, Erik Turok at Governor’s Squad (Minong Kupal, Totoy Tiyanak, Elwin at Hero) sa mga siyudad ng Cavite, Imus, Rosario at mga bayan ng Kawit at Noveleta.
Liban sa sakla, may perya-sugalan na may shabuhan ang isang alyas Niña sa Brgy. Virata sa GMA.
Bago pumutok ang ulat tungkol sa isang Tagoy na umiikot sa mga pwesto ng mga iligal na pasugalan sa mga bayan ng Tanza at Indang para mangikil , ay kalat na din ang balitang si Tagoy ay kasosyo sa operasyon ng sakla ng isang alyas Erik Turok at ng tinataguriang Governor’s Squad (Minong Kupal, Totoy Tiyanak, Elwin at Hero) sa nasabing mga bayan.
Halos may 100 saklaan na ang nailatag ng grupo nina Erik Turok, Tagoy at Governo’s Squad sa may 41 barangay ng Tanza at 36 na komunidad ng Indang, ngunit di naman alintana ito nina Tanza Police Chief, PLtCol Gerry Laylo at Indang Cop, P/Maj. Ed Cantano at maging ni PD Olazo.
Sinabi naman ni Maj. Cantano noong Lunes (Octobre 23, 2022) ng umaga sa pakikipanayam ng inyong lingkod na hindi nito kilala sina Erik Turok, Tagoy at Governor’s Squad, at tiniyak pang “ipamomonitor” nito at aaksyunan ang talamak na operasyon ng saklaan sa kanyang hurisdiksyon.
Ngunit iniuulat ng ating police insider na lantaran pa rin maging sa Poblacion ng bayan ng Indang at iba pang lugar sa naturang munisipalidad ang mga saklaan.
Sa bayan naman ng Tanza ay okupado ng mga magsasakla nina Erik Turok, Tagoy at Governor’s Squad (Minong Kupal, Totoy Tiyanak, Elwin at Hero) maging ang mga kalsada sa Poblacion 1, Poblcion 2, Daang Amaya 1, Daang Amaya II, Julugan VI, Julugan VII at Julugan VIII at iba pang mga lugar sa munisipalidad.
Ito ang dahilan kung bakit lumalalim ang suspetsa ng mga anti-crime at vice crusaders na may nagaganap ngang kutsabahan sa pagitan ng sakla at maging gambling –con drug maintainers at ilang PNP top offcials sa R4A. SUBAYBAYAN…
***
Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com