Advertisers
ITONG mga retiradong opisyal sa gobyerno, partikular pulis at militar, ay hindi na dapat tumatanggap ng panibagong posisyon sa pamahalaan, makabubuti na magpasarap nalang sila sa kanilang nalalabing buhay sa daigdig.
Oo! Ang magkapagserbisyo ng 30 anyos at magretiro sa edad 56 sa pulisya o military ay maituturing ka nang bayani ng bansa. Panahon naman para e-enjoy ang iyong sarili kapiling ang mga mahal sa buhay as we all know that life is too short. 70 anyos? ang lifespan nating mga Pinoy.
Kaya kung retirado ka na, pero kinukuha uli ng mga politiko para maging alter ego nila, mas maige na tanggihan ito at magrekomenda nalang ng mga batang propisyunal na sa tingin mo’y mas magiging epektibo at agresibo sa pagserbisyo sa pamahalaan. Mismo!
Nasabi ko ito dahil sa tuwing bago ang presidente, ang mga itinatalagang tao sa gabinete ay karamihan retiradong pulis, militar na mga edad 56 pataas, at mga retirado na sa gobyerno na mga edad 60 pataas. Mga pagod na po ang mga ito sa mahigit 30 anyos nilang pagserbisyo sa gobyerno. Tuloy kapag naibalik sa pamahalaan ay wala nang magawa, nakikinig nalang din sa mga adviser nilang ang mga interes lang din ay ang kumamal sa mga proyekto/programa ng kanilang ahensiya, departamento o kagawaran.
Kung minsan ay maling retired official pa ang inilalagay sa puwesto. Tulad sa Department of Health (DoH). Mantakin na isang retiradong heneral ng militar ang inilagay sa ahensiyang pang-medisina. Animal!
Kaya nagkakahitot-hitot ang ating pamahalaan ay dahil kahit sa pagtalaga ng opisyal sa posisyon ay maling tao ang inilalagay.
Samantalang napakaraming competent doctors ang puwede ilagay sa DoH na maging katanggap-tanggap sa health workers. Mismo!
Ito namang si retired General, alam niyang wala siyang aral sa larangan ng medisina, tinanggap ang posisyon. Aba’y anong gagawin mo dyan sa DoH, Sir!?, wala namang giyera dyan! Puwede ka siguro dyan as Chief Security. Hehehe…
Again, baguhin na sana ni Pangulong Bongbong Marcos ang ganitong sistema sa pamahalaan na pagre-recycle ng mga opisyal. Mas tama kung ang italaga ay mga batang propisyunal na walang rekord ng pang-aabuso at pangungulimbat.
Opo! Tuldukan na ang sistemang pag-appoint ng retired officials. Pagpahingahin na sila o gawin nalang adviser. Ang bigyan ng tsansa ay ang mga batang propisyunal na nagsunog din ng kilay para maging dalubhasa para makapaglingkod sa gobyerno. Let’s do it, Mr. President!
Tulad dito sa Department of Agriculture (DA), Mr. President. Ang magandang italaga mo rito ay yaong tao na may pusong magsasaka, bata, may alam sa pagsasaka, isang agriculture engineer. At mas maige kung pulungin mo ang mga opisyal ng grupo ng mga magsasaka at sila ang magsasabi kung sino ang dapat humalili sayo sa DA, tulad ng ginawa ng erpat mo noo. Now na!
***
Advise ng isang personalidad kay PBBM: Kunin ang mga adviser nina ex-Presidents Gloria Arroyo at Digong Duterte. Mga competent daw ito at libre!
Naku!!! Mr. President, huwag kang maniwala dyan. Karamihan sa mga “tao” nina Gloria at Digong ay mga tiwali! Just review the annual CoA reports!!!