TODA 1 MANILA FEDERATION NCR AT TODA NUEVA ECIJA NAGSANIB PWERSA PARA IPAKITA AT IPARATING SA COMELEC ANG KANILANG HINAING SA PAG-IWAN SA KANILA SA ERE NG NATALONG KINATAWAN NG PASAHERO PARTYLIST
Advertisers
Nagsanib pwersa ang iba’t ibang grupo ng federation ng Tricycle operators drivers association TODA mula NCR at Nueva Ecija.
Ito’y upang ipakita at maiparating ang kanilang mga hinaing sa kinauukulan ang pag-iwan sa kanila sa ere ng namumuno sa Pasahero PartyList na si Robert Nazal Jr.
Kinokondina ng grupong TODA ang pagpayag ng Comelec na makapanumpa si Robert Nazal Jr. bilang kinatawan ng Magsasaka gayong ang dinadala at pinamumunuan nito ang natalong pasahero PartyList noong nakaraang election.
Ang grupo na kinabibilangan ng walong president ng TODA NCR habang 26 president ng federation TODA naman mula pa sa Nueva Ecija.
Ayon kay George Alcantara, lumapit si Nazal sa kanilang grupo sa NCR upang humingi ng suporta sa dinadala nitong pasahero PartyList at pumayag naman ang kanilang grupo sa akala na makatutulong si Nazal sa kanilang samahan.
Ipinagtataka din ng grupo ni Alcantara kung bakit siya naging kinatawan ng ibang grupo gayong ang dinadala nito ang natalong pasahero PartyList.
Panawagan ng grupo na maging patas naman sana ang desisyon ng Comelec kung sino ang karapat-dapat na mamuno ng isang PartyList na kumakatawan sa Kongreso na tunay na makapagbibigay ng tulong sa tulad nilang mahihirap.