Advertisers

Advertisers

0-4 na!

0 236

Advertisers

Paano na yan, hindi pa nanalo ang LA Lakers sa unang apat nilang game.

Wala pang ganyan kalungkot ang umpisa na nakapasok sa playoff round maliban sa dalawang koponan.

Ito ang 2017-18 na OKC Thunder at ang 2020-21 na Washington Wizards. Hulaan ninyo kung sino ang tanging basketbolista na kasapi ng mga team na yan? Isang cager na ang pangalan ay Russell Westbrook



Kung fan ka ng prangkisa ng mga Buss at superstitious ka aayaw ka na ma-trade pa ang may suot ng jersey zero nyo.

Pero kung diehard ka ng team na base sa Hollywood ay papayag ka naman para maiba ang kapalaran ng mga paborito mo. Gugustuhin mo pa nga na asap ito maganap.

Ang hirap talaga na desisyunan iyan lalo’t walang appealing na prospective trade na nailalatag.

Isa pang factor diyan ay mangyayari ba ang napipintong scoring milestone ni LeBron James sa disappointing season na ito?

Mag-exert ba si King James ng pressure kina Jeannie Buss at Rob Pelinka.Abangan!



***

Alam nyo ba ang best selling na mga jersey ng NBA player? Oo pagsamahin na natin ang mga aktibo at retirado.

Narito ang listahan ng Top 5.Yung naglalabanan sa GOAT na titulo nasa pang una at panglima. No. 1 si LBJ at No. 5 naman si Michael Jordan.

Sumunod kay James sina Scottie Pippen, Vince Carter at Steph Curry.

Naku kunukwestyon ni Mang Tomas kung bakit kaya naunahan pa ni Pippen ang kakamping si His Airiness?

***

Simula na ng 2nd round ng UAAP basketball tournament ngayon. Dikit-dikit ang top 3 sa first round.

Una ang defending champion na UP na may 6-1 na kartada. Baligtad ang sa Growling Tigers na may 1-6 kaya kulelat mga bata ni Coach Bal David.

5-2 naman ang Ateneo at National U.

3-4 ang De La Salle, Adamson at University of the East. Pampito ang Far Eastern U na may 2-5.

Ayon kay Ka Berong ay malamang repeat ng finals cast noong isang taon. Asahan daw na UP vs ADMU ulit. Battle of Katipunan part 2?