Advertisers

Advertisers

Gutom!: ‘Di pa sumusuweldo ang mga appointee sa Marcos administration

0 168

Advertisers

MAG-APAT na buwan na ngayon ang Marcos administration simula nang opisyal na maluklok noong katapusan ng Hunyo.

At ayon sa mga itinalaga sa puwesto, political appointees, simula noon hanggang ngayon ay hindi pa sila sumusuweldo. Gutom na raw sila. Aray ko!

Maging ang mga bagong talaga sa Department of Budget ay hindi parin daw sumusuweldo. Wala raw budget. Inubos ng nakaraang administrasyon! Tsk tsk tsk…



Pero yaong mga itinalaga sa makakatas na puwesto tulad ng Bureau of Immigration, Bureau of Customs, Dept. of Public Works and Highways, Dept. of Interior and Local Government, at iba pa, kahit hindi pa sumusuweldo ay “sumasahod” na pagkaupo na pagkaupo noong Hulyo. You know. Hehehe…

Naisip nga nitong mga Usec. sa “walang grasyang” government agencies na mag-resign nalang bago pa tuluyang magutom ang kanilang pamilya. So sad!!!

“Four months na ngayon na hindi kami sumusuweldo, wala na kaming pang-gas, at wala naring pang-tagay. Hirap ng buhay dito sa puwesto namin. Walang pondo, inubos ng Duterte,” sabi ng dalawang Usecs na ating nakatagayan few nights ago.

‘Pag hindi pa raw sila sumuweldo sa Nobyembre, magbibitiw nalang sila, hanap nalang ng trabaho sa pribado.

Ang isa pang problema dito sa Marcos administration ay tila ibang tao ang nagpapagalaw, parang ang mga nakaraang presidente na nagtulong-tulong sa kampanya ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Araguy!!!



Kung napapansin ninyo, karamihan ng mga nakaupo sa matataas na puwesto ngayon ay mga dati ring tao ng mga nakaraang presidente o ‘di kaya’y “bata” ng mga negosyanteng nag-ambag ng malaki sa kampanya noon ni PBBM. Resulta: Walang magandang pagbabago sa pamahalaan. Umiiral parin ang “bata-bata” system.

Well, tingnan natin after one year. Baka nagbabayad-utang lang ngayon si PBBM. Tapos ay pagsisipain na niya itong mga tao ng mga nakaraang administrasyon, at mag-install na ng talagang kanya na magsisilbi sa masa, partikular sa higit 31 milyong Pinoy na nagbalik sa kanila sa Palasyo ng Malakanyang. Let’s see!!!

***

Grabeng pagbaha ang nangyari sa Aklan nitong Huwebes hanggang Biyernes. First time daw nangyari na umabot hanggang bubong ng bahay ang baha, dulot ng malakas na buhos ng ulan.

Ang sinisisi ng mga residente sa lugar ay ang pagkawala ng mga dating sapa na pinatayuan na ng mga bahay, at kawalan ng maayos na imburnal para daanan ng tubig papuntang ilog o dagat.

Dahil nga halos sementado nang lahat ang lugar bayan ay hindi na naa-absorb ng lupa ang patak ng ulan kaya naiipon at nagiging baha.

***

Kanselado ang biyahe ng mga barko at eroplano ngayon dahil sa pagpasok ng bagyong Paeng, kungsaan masyadong malawak ang sakop nito, mula Northern hanggang Southern Luzon. Pati Visayas at Mindanao ay dadaanan nito. Hanggang Linggo raw ito, sabi ng PAGASA.

Kaya kesa ma-stranded sa mga terminal, makabubuti na manatili nalang muna sa bahay at tumagay. Palagpasin muna si Paeng bago bumiyahe. Okey?