Advertisers

Advertisers

Ika-5 “person of interest” na inmate sa Lapid murder nasa NBI na

0 160

Advertisers

NASA kostudiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang inmate na tinuturing na ikalimang “person of interest” sa pagpaslang sa broadkaster na si Percy Lapid, ayon kay Department of Justice spokesperson Asec. Mico Clavano.

Hindi binanggit ni Clavano ang pagkakilanlan ng inmate, pero kinumpirma niya na ito ang parehong tao na tinukoy ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na isa sa persons of interest sa krimen.



Nakatakda aniyang magbigay ng kaniyang pahayag ang naturang inmate  ukol sa mga nalalaman niya sa pagpatay kay Lapid.

“Last night, at around midnight, there was a transfer from the Intelligence Service of the AFP detention facility. There was one inmate there who was transferred to the NBI custody as well,” sabi ni Clavano.

Ang NBI at PNP ay magkatuwang ngayon sa ginagawang imbestigasyon sa kaso gayundin sa apat na naunang  persons of interest na inmates ng Bureau of Corrections.

Nakapagbigay na ang mga ito ng kanilang mga pahayag makaraang isailalim sa pagtatanong.

“We formalized the extrajudicial affidavits already,” saad ni Clavano.



Ayon sa Justice Secretary tinitignan nila ang anggulong “murder” sa  pagkamatay ni Crisanto/Jun Villamor, ang umano’y middleman sa krimen.

Ito ay base sa biglaang pagkamatay ni Villamor at ang  ibinigay na “dying declaration” sa kaniyang kapatid na si alyas Marisa na nasa ilalim na ng Witness Protection Program ng DOJ. (Jocelyn Domenden)