Advertisers
HINDI na naiwasan ni Sherilyn Reyes na ibulgar na naloko sila sa kanyang negosyo last year nang malaking pera dahil sa basher ng kanyang anak na si Ryle Santiago.
Sinabi ni Sherilyn sa kanyang Instagram na mahirap ang kanilang pinagdaanang financial crisis kaya nakiusap ito sa basher ng anak na si Ryle na huwag namang pag-initan ito.
“WALA daw KAMING PERA, totoo rin! At kahit kailan lalo na sa mga kakilala ko ay never ko ikinaila na wala akong pera ngayon. Sa kasamaang palad, na swindle ako last year. Masaklap pero buong pamilya ko ay lumalaban araw-araw at gumagapang para mabayaran ang utang na hindi naman amin.
“Pera na itinakbo ng iba, pera na sana ay magiging seguridad ng mga anak ko sa kanilang kinabukasan. Dalangin ko na sana hindi mo maranasan dahil mahirap at masakit.
“Gagawin mong lahat para masigurong matupad mo buwan buwan ang obligasyon mo, sa mga panahong nalulungkot ka at naiiyak, pipilitin mong ngumiti nang di rin maging malungkot ang pamilya mo.
“Na araw-araw kulang na lang isigaw mo ang dasal mong sana matapos na ang problemang hindi naman dapat sa `yo pero dahil maayos kang tao, inaako mo at ng pamilya mo.
“Na araw-araw pinagpapasalamat mo na ang asawa mo ay nagpapakumbaba sa mga tao para makiusap dahil kayo ay naloko sa negosyo.” (Gerry Ocampo)