Advertisers

Advertisers

Angeli Khang mas napapansin na ang akting kaysa paghuhubad

0 440

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PINAG-usapan noon ang galing ni Angeli Khang sa pag-arte sa pelikulang “Silip sa Apoy” na nakopo ni Direk Mac Alejandre ang best director award sa 4th Wallachia International Filmfest sa Bucharest, Romania noong Oktubre.
Katunayan, marami ang nagsasabing maging frontrunner siya bilang best actress sa award-giving bodies come awards season next year.
Muli silang nagsama ng multi-awarded director sa Vivamax original series na “Wag Mong Agawin ang Akin.”
Pero sa ikatlo nilang kolaborasyon na “Selina’s Gold”, marami ang napabilib dahil nag-level up pa ang acting ng sexy actress.
Katunayan, ayon kay Angeli, natutuwa siya dahil napapansin na ang kanyang kalibre sa pag-arte kesa sa kanyang paghuhubad.
“Every movie is a different experience for me but it’s a fulfillment for me when I finish a movie. Dito sa latest movie ko na Selina’s Gold, sobrang laki ng pinaghugutan ko at nakikita ko siya sa mga ginawa ko. Dito ko naibigay iyong iba’t ibang emosyon na puwede kong ipakita from sadness, hatred, revenge and as you can see sa karakter ko….that love is an addictive weapon and can be used also a weapon,” ani Angeli.
Nagpapasalamat din siya dahil sa tulong ng kanyang paboritong director ay marami pa siyang natutunang techniques pagdating sa acting.
“Patuloy akong hinahasa ni Direk hindi lang sa acting ko not just by talking or emoting but also acting using my eyes and body movements,” aniya. “Lagi rin akong wino-workshop ni Direk and I appreciate that, lalo na sa mga mabibigat na scenes. Ikinukuha niya ako ng coach at even siya ang nagco-coach sa akin,”dugtong niya.
Sa napabalita namang gusto na niyang limitahan ang kanyang paghuhubad, nagbigay ng qualifying answer ang Vivamax queen.
“Pagdating sa movie ni Direk, I made a promise na I will always give my best. Ever since kasi when I started sa kanya, napansin ako sa “Silip sa Apoy.” I can say na doon nag-prosper iyong blessings na ibinibigay sa akin. Kay Direk kasi napakalaki ng tiwala ko kaya kahit ano ang ipagawa niya sa akin, gagawin ko pa rin. Alam ko kasing aalagaan niya ako kahit patuloy akong magpaseksi,” paliwanag niya.
Speaking of “Selina’s Gold”, medyo nanibago lang daw siya sa mga linya ng mga dayalogo sa nasabing erotic drama set during World War II.
First time raw niyang makapagsalita ng ganoong katapang na mga pangungusap tungkol sa anatomical parts tulad ng “puke” at “oten” at iba pang mga salitang ginagamit lamang sa aktwal na pakikipagtalik.
Ang “Selina’s Gold” ay tumatalakay din sa papel ng mga kababaihan noong digmaan sa panahong dinodomina sila ng mga kalalakihan.
Sa obrang ito ni Direk Mac Alejandre, binibigyang-buhay niya ang papel ng isang babaeng birhen na ipinagbili ng kanyang nakilalang ama sa isang mayaman at oportunistang mamumuhunan na ginawa siyang ‘sex slave.’
Palabas na sa Vivamax, kasama rin sa cast sina Jay Manalo, Gold Aceron at Azi Acosta.