Advertisers

Advertisers

Sam nagreak sa paggawa ng daring movies

0 347

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NASA planning stage palang ngayon ang part 2 ng trilogy biopic movie na “Maid In Malacanang”, na may working title na
“Martyr or Murderer” na intensyon ni Direk Darryl ay to present the story of Ninoy Aquino.
Ang ‘Maid In Malakanyang’ ay tumatalakay naman sa mga pangyayari sa buhay ng mga Marcoses sa Malakanyang, ilang oras bago nila lisanin ang Palasyo sanhi ng people’s power.
Tsikang nasa cast ng part 2 ng MoM sina Phillip Salvador to play the character of Ninoy while he expressed that Joey Marquez will do great as Fabian Ver in the movie, and Jerome Ponce as the young Ninoy.
Sa kanyang facebook account ay may tila ‘patikim’ si Direk Darryl para sa movie niyang MoM. Isang interesting topic ang kanyang iki-note:
“Ninoy Aquino & Pete Cojuanco;
dalawa sa halos isang daang
manliligaw ni Imelda Marcos. kilala nyo si Ninoy, pero si Pete na kuya ni Cory Aquino,
Hindi. #MARTYRorMURDERER #MOM”
Agad namang inulan ang comment section ng naturang post ni Direk Darryl Yap at may nagmensahe pa ng isang trivia about Pete.
“Pete Cojuangco married Rosario Cacho who is the sister of the mother of First Lady Liza Araneta-Marcos.”
***
PANIBAGONG chapter ang nag-aantay sa showbiz career ng singer/actor na si Sam Concepcion, sa muling pagpirma ng bagong kontrata sa Viva Artist Agency o VAA kung saan siya under management contract.
“Being in Viva has been, it’s been very productive. For me, I like to stay where I will grow. And I really did feel that nu’ng nandito ako sa Viva despite na most of my years in Viva kinain ng pandemic.
“It’s a very easy decision to make, you know. Parang you’re with a great team, with very creative, talented people, and very proactive. Kung titingnan mo ’yong record there’s no doubt that it’s the right partnership for me. I get to do movies, I get to do music which are the two things that are my main things,” pahayag ni Sam.
Mas nakilala si Sam bilang singer, at gumawa rin ng ilang pelikula under Viva Films, ang “Indak” nila ni Nadine Samonter at ang “Para Sa Broken Hearted” with Yassi Pressman. Since kilala ang Vivamax na sister company ng Viva Films sa paggawa ng mga sexy and daring movies, may chance kaya na ang isang singer at aktor na pa-tweetum ay gumawa ng daring movies?
“I’m not completely close off sa ganu’ng idea. If it’s done right, if it’s tastefully done, if it’s good material. I’m still an actor and I’m willing to act,” dagdag na say ni Sam.