Advertisers

Advertisers

Pero nag-shopping sa LV sa US…Sharon tinawag na ipokrita ng netizens, ibinili ng celfon na walang camera ang anak

0 277

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SA walong entries sa Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25, 2022 hanggang Jan. 7, 2023 ay marami na ang nagsasabi na hindi magiging maganda ang resulta sa takilya.
Posible raw na isa o dalawang movies lang ang makabawi ng ginastos sa kabuuan ng movie. Yung ibang entry raw ay posibleng mapasama sa first day at last day sa sinehan.
Ang producer ng isang movie na mapalad na mapasama sa taunang festival sa bansa ay tila nanawagan na huwag lang ang movie na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Ivana Alawi ang panoorin ng mga tao sa darating na festival.
May netizen na nag-react at nagsabi na huwag silang diktahan kung ano ang gusto nilang panoorin at kung ano ang ayaw nilang panoorin. Sa hirap ng buhay nga naman ngayon ay gagastos pa sila para panoorin ang walang saysay na movie.
Tanong ng netizen, nangangamba raw ba ang nasabing producer na mapasama sa first day at last day ang movie niya kaya ngayon pa lang ay nananawagan nang huwag lang ang movie nina Vice at Ivana ang panoorin.
Sabi naman ng producer na naniniwala siya na hindi mapapasama ang kanyang entry sa first day, last day sa mga sinehan dahil maganda raw ito.
Anyway, sa tema ng mga movie na kalahok sa MMFF ay posibleng matanggal kaagad sa mga sinehan. Una ay dahil walang kuwenta o hindi type ng mga manonood ang istorya ng movie.
Nangako naman ang nanawagang producer na kakausapin niya ang pamunuan ng taunang festival na hindi dapat mangyari ang first day at last day movie sa mga sinehan.
Katuwiran ng producer ay napili silang walong movies para mapasama sa MMFF kaya dapat lang na manatili silang palabas sa mga sinehan hanggang sa deadline kung kailan ito dapat magtapos sa mga sinehan.
Pumayag naman kaya ang mga theater owner na kahit isa o dalawang tao lang ang nanonood sa sinehan ay tuloy pa rin ang showing nito sa mga sinehan.
Paano na lang ang makukunsumo ng kuryente kung isa o ilan lang ang nanonood, lugi ang theater owner.
Well, nangako ang nasabing producer na hindi siya tatahimik para ipaglaban ang naturang patakaran na ipu-pull out sa mga sinehan ang movie na walang gaanong nanonood.
***
REAKSYON ng netizens sa regalong cellphone ni Sharon Cuneta sa bunsong anak nila ni former Senator Kiko Pangilinan na si Miguel.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng Megastar ang larawan ni Miguel na masayang hawak ang old model na cellphone na walang camera at may keypad pa.
Sa caption ni Shawie, lahat daw ng mga anak niya ay nagsimula sa simpleng cellphone lang.
“Someone is turning 13 on Oct. 29 (and 27. He likes “having two birthdays!”) and got a new, simple phone! All my kids started with simple cellphones! Look how happy he was to finally get one,” caption ni Sharon.
Humanga ang maraming netizens sa pagiging humble ni Sharon at kung paano niya pinalaki ang mga anak pero marami rin ang nagulat na buhay pa ang ganoong model na cell phone.
“That phone still exists?” tanong nila.
Mayroon ding hindi makapaniwala at pa-humble effect lang daw si Shawie.
“Totoo ba? Hard to believe,” comment ng isang netizen
“Weeeeeeeehhhh di nga!!!!” reaksyon naman ng isa pa.
“I don`t think it`s true, pa humble effect kunyari, hypocrites talaga,” comment ng isa pang IG user.
May pumuna rin na nagawang makapag-shopping nang bonggang bongga ni Sharon sa Louis Vuitton pero ganoon lang ang iniregalo sa anak.
“Waahhhh shopping galore sa LV dahil inde pinapasok sa Hermes then gift sa anak ba talaga turing eh ganyan well kung sabagay, “ say ng netizen.
Payo naman ng isang follower na puwede namang ibili ni Sharon ng smart phone si Miguel without spoiling him.
“I`m not a rich person at all but I would have bought my kids a smartphone that is still within my budget. That phone is so old. There`s no harm in spoiling your kids with something more up to date and still teaching them humility,” payo nito.
Well, sa mas nakararaming followers ni Sharon ay nag-comment naman na walang pakialam ang sinuman kung anong gusto ng Megastar na ibigay sa kanyang anak. Mahalaga ay mahal at handang ipaglaban ng patayan ni Shawie ang kanyang mga anak.