Advertisers

Advertisers

South African, 9-anyos anak huli sa P92m shabu sa NAIA

0 244

Advertisers

ISA pang South African drug courier ang inaresto nang pinagsanib na elemento ng Bureau of Customs-Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at X-Ray Inspection Project makaraang madiskubre mula sa kanyang bagahe ang nakatagong humigit-kumulang 13,565 gramo ng shabu, ilang sandali pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 sa lungsod ng Pasay.

Kinilala sa tanggapan ng BOC-Port of NAIA ang nahuling pasahero na si Irene Caroline Botha,40, single mom na nagtratrabaho bilang isang Manager sa Safari lodge na may ibinigay na address sa 578 Boland street, Withok Estate Brakpan Gauteng, South Africa.



Batay sa inisyal na imbestigasyon, dumating si Botha sa NAIA terminal 3 kasama ang kanyang 9 taong gulang na  anak na babae sakay ng Emirates EK flight 334 na nagmula sa Johannesburg, South Africa via Dubai, United Arab Emirates.

Nabatid na habang isinasalang sa x-ray scanning ang bagahe ni Botha nakakita ang mga otoridad ng mga kahina-hinalang larawan na nakatago sa isang compartment nito.

Sa tulong ng mga customs examiners at PDEA chemists ay sumailalim ang bagahe sa 100% physical examination at dahil sa pagsusuri, nagresulta ito na positibo na nag-iingat ng shabu ang nasabing pasahero na tinatayang may street value na P 92,242,000.00  milyong piso.

Ang menor-de-edad na anak ng suspek aynahaharap ngayon sa mga paglilitis ng deportasyon ng Bureau of Immigration.

Nitong Huwebes, isang pasaherong Norwegian na nakilalang si Rose Alex Moi, 59, ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagtatangkang magdala ng 8.34 kilo ng shabu na nagkakahalaga umano ng 56.7 milyong piso.



Ang suspek ay dinala sa pangangalaga ng PDEA para sa inquest proceedings kaugnay sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act in relation to Sections 118 , 1113 at 1401 .

Inaalam din ng mga otoridad kung may kaugnayan sina Botha at Moi sa isang international drug syndicate o drug cartel.(JOJO SADIWA)