Advertisers

Advertisers

48 patay sa hagupit ni Paeng – NDRRMC

0 223

Advertisers

NASA 48 katao ang nasawi habang 44,847 pamilya ang nanunuluyan sa mga evacuation center sa pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa datos na ipinalabas ng NDRRMC, sa 48 mga nasawi, 40 ang naitala sa Bangsamoro Region, 31sugatan at 6 ang missing, 3 nasawi 2 sugatan at 3 missing Region 12, 2 nasawi sa Region 6 (Western Visayas), 2 nasawi, 3 sugatan at 8 missing sa Region 8 Eastern Visayas, 1 nasawi, 4 sugatan at 1 missing sa Region 5 (Bicol Region).

Umabot naman sa 277,383 pamilya o 932,077 individual ang naapektuhan ng Bagyo Paeng mula sa 2,445 barangays sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, Bangsamoro, at Cordillera Administrative Region (CAR).



Nanatili naman sa mga evacuation center ang 44,847 pamilya o 168,453 katao sa 2,125 evacuation centers, habang 88,348 pamilya o 196,293 katao sa kanilang mga kamag-anak .

Nasa 714 mga kabahayan ang napinsala dulot ng Bagyong Paeng kung saan 159 ang tuluyang nawasak habang 555 ang nasira sa Region 5, Region 6, Region 7, Region 11, Region 12, Caraga at BARMM.

Nakaranas naman ng walang supply ng kuryente ang 93 mga Lunsod at Municipalities king saan 31 Cities at Municipalities ang naibabalik sa normal na supply ng kuryente

Umabot naman sa 7,782 pasahero, 2,433 rolling cargoes, 68 vessels, at 20 motor bancas strandedsa mba seaport sa National Capital Region (NCR), Calabarzon, Mimaropa, Bicol region, Central Visayas, at Eastern Visayas.

Umabot naman sa P54,965,924.13 ang naitalang pinsala sa Agriculture sa Region 6 at Regiin 12.



Umabot na sa 55 mga Cities at Municipalities ang nagdeklara ng state of calamity. (Mark Obleada)