Advertisers

Advertisers

ANG TULONG NI UNCLE SAM

0 212

Advertisers

MULA sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), matagal nang kasunduan sa pagitan ng ating bansa at ng Amerika, lalakas pa ng todo ang ating Sandatahang Lakas.

Ito ay dahil sa plano ng United States na maglaan ng $70 milyong dolyar o halos P4 bilyong pisong tulong militar na maaaring makapagtayo ng mga istrakturang pangdepensa sa mga base militar na nakapalibot sa ating bansa.

Maganda ang hangarin, kung tutuusin. Dahil ang kasunduan, na noong 2014 pa pinagtibay at nilagdaan ay para naman makatabla man lang tayo sa mga agrisibong pagkilos ng bansang Tsina sa South China Sea at makaresponde tayo sa panahon ng mga sakuna.



Ang EDCA ay isang paraan upang maipagpatuloy ang 1951 Mutual Defense Treaty – kasunduan ng Pinoy at ni Uncle Sam na ipagtatanggol ang bawat isa, sakaling may pananakop, at alalayan sa panahon ng kalamidad.

Ito ay muling sumigla nang ang Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) ay naghayag ng kanyang kahandaang makipagtulungan muli sa Amerika, di gaya ng mga nagdaang mga administrasyon na bantulot sa relasyong ito, at tila nakakiling sa China o’ Russia.

Makikinabang dito ang lima (5) nating pasilidad ng militar. Ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan, na malapit sa Kalayaan Island Group sa may West Philippine Sea; Basa Air Base sa Pampanga, ang base ng Philippine Air Force, at Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, pinaka-malaking base militar na kadalasan ay pinagdadausan ng Philippine-US military exercises.

Ang dalawang iba pa ay ang Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City.

Gaganda ang postura ng depensa ng bansa dahil dito. At maging ang samahan at pakikitungo natin kay Uncle Sam ay pihadong aani ng pagkabahala sa mga bansang binu-bully tayo.



Madadagdagan din ang ating kakayahang rumesponde sa panahon ng kalamidad at mga sakuna, nang dahil sa tulong n ito ni Uncle Sam.