Advertisers

Advertisers

PVL: Agawan sa Final Four

0 198

Advertisers

MATINDING dikdikan ang matutunghayan sa pagbalik sa aksyon ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference bukas Huwebes sa The Arena sa San Juan City.

Dalawang silya na lamang ang nalalabi sa Final Four.

Nasilo ng Chery Tiggo ang unang tiket sa se­mis matapos kubrahin ang ikalimang sunod na panalo para manatili sa tuk­tok ng standings hawak ang 5-0 rekord.



Abot-kamay naman ng Grand Slam seeking na Creamline Cool Sma­shers ang ikalawang semis spot dahil hawak nila ang malinis na 4-0 marka.

Kaya magiging pukpukan ang banggaan para sa huling dalawang puwesto sa semis.

Nakabuntot ang Petro Gazz bitbit ang 2-1 marka, habang magkasalo sa No. 4 ang F2 Logistics at Choco Mucho na parehong may 2-2 rekord.

Nananatili ring buhay ang tsansa ng Cignal (1-2), PLDT Home Fibr (1-3) at Akari Chargers (1-3) at maging ang Philippine Army na wala pa ring pa­na­lo sa apat na laro.

Ipinagpaliban ang mga laro noong Sabado dahil sa bagyong “Paeng”, habang mayroon ring break dahil sa All Saints Day.



Magpapatuloy ang bakbakan bukas Huwebes sa The Arena.