Advertisers
NASAWI ang limang taon gulang na bata nang mahulog sa spillway habang sumasama sa selfie ng tiyahin sa Urban Poor, Barangay Pacol, Naga City, Camarines Sur.
Sa ulat, sumama ang bata sa kaniyang tita sa ibabaw ng spillway upang makipaglaro nguni’t habang nagse-selfie ang kaniyang tita ay biglang sumulpot ang bata sa gilid upang makisali sa larawan, kungsaan nahulog ito at mabilis na tinangay ng agos.
Kinabukasan na nang marekober ang katawan ng bata sa ilog ng Pacol-San Felipe sa Naga City.