Advertisers

Advertisers

Marian ibinalik ng shopping platform dahil binoykot ng netizens si Toni

0 303

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

PICTURE talk ika nga, at di ito nagsisinungaling na on the rocks na ang relasyon in real life ng hottest love team na KathNiel.
Kumalat sa socmed ang larawan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na magkasama sa El Nido Palawan.
Kita sa picture na sweet ang dalawa matapos kumalat ang tsikang hiwalay na sila.
Naging rumor ito na hiwalay na ang celebrity couple ng maging taliwas ang sagot ni Daniel regarding sa Loyalty.
Kaya naman ang speculation ng tao ay hiwalay na at may pinagdaraanan ang relasyon ng dalawa.
Pero dahil sa larawan ng KathNiel sa Palawan na may activity si Kathryn na new business with Piolo Pascual.
Kaya sa mga larawan na ‘yun ng KathNiel sa El Nido ay matutuldukan na nagkahiwalay na nga ang dalawa.
Parang sayang naman ang pagtuntong nila ng 10th year ay saka pa maghihiwalay.
***
DAHIL si Toni Gonzaga na ang new endorser ng isang shopping platform ay tila marami ang nagtaasan ng kilay.
At ang mga suki nito ay isa isang nag alpasan at nag hashtag goobye sa nasabing shopping platform.
Naungusan na nga ng kalaban ang nasabing shopping platform matapos na iboykot ito nang si Toni G. ang kunin na endorser.
Makalipas ang ilang linggo ay napansin na tila ibinalik si Marian Rivera sa nasabing platform
Ang kagandahan nga si Marian ang masa-sight sa nasabing shopping platform.
Naramdaman siguro ng shopping platform ang paghina nila kaya ura-urada ay balik ang esmi ni Dingdong Dantes.
Dati na rin kasi inendorso ni Marian kasama ang mister na si Dingdong at anak na si Zia ang nasabing shopping platform.
Well, makababawi na nga raw ang nasabing shopping platform dahil si Marian na ang makikita at walang negatives vibe.
Well, well, well… ‘Yun na!