Advertisers

Advertisers

AZURIN, NARTATEZ ” INUTIL’ VS VICE OPERATIONS SA R4A!

0 531

Advertisers

NAGMUMUKHANG “inutil” itong sina PDGen. Rodolfo “Junaz” Azurin Jr. at Regional Police Office 4A Dir. PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sapagkat hindi maipatigil ang nagkalat at lantarang operasyon ng iba’t-ibang uri ng illegal tulad ng STL-con jueteng, sakla, lotteng, pergalan (perya at sugalan) ganon din ang paihi sa CALABARZON area.

Batik sa imahe ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. (PBBM) ang bagsak na gradong pagpapatakbo nina Azurin Jr. at Nartatez Jr. sa hanay ng kapulisan sa nabanggit na rehiyon.

Matagal nang idinudulog ng mga grupo ng crime and vice crusader kina Azurin Jr. at Nartatez Jr. ang matinding suliranin sa iligal na bisyo sa Southern part na ito ng Luzon, subali’t mistulang bulag, pipi at bingi ang dalawang PNP top official sa nangyayaring operasyon ng mga iligal na sugal at paihi sa rehiyon.



Bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) si Azurin Jr. ay may pananagutan sa taumbayan sa mga nangyayaring kabulastugan ng kanyang mga subordinate, tulad ni Nartatez Jr. na malinaw na nagpapabaya sa tungkulin dahil hindi kumikilos para masawata ang tumitinding operasyon ng kailigalan sa kanyan area of jurisdiction.

May kasabihan na ang kapalpakan ng tauhan ay kapalpakan din ng amo. Dahil hindi umaaksyon sa reklamong nagkalat na operasyon ng sugalan, lumalabas na palpak ang pamumuno ni Nartatez Jr sa R4A.

Dahil palpak si Nartatez Jr., lumalabas din na palpak si Azurin Jr. dahil parehong hindi nagagawa ang mga tungkulin ayon sa sinasabi at itinatadhana ng batas sa PNP.

Bukas na aklat sa kalakaran ng mga iligalista at alam yan ng maraming enterprising PNP official and member, kasama na sina Azurin Jr. at Nartatez Jr., na kapag ang mga iligal, tulad ng sugal at paihi ay nag-ooperate na hindi hinuhuli ng mga pulis, ibig sabihin ay may tongpats, naglalagay yan sa police, gobernador at mayor, kundi man ay sa kanilang mga bata o tauhan.

Halimbawa ay sa Tanauan City, Batangas na nang umupo si Mayor Sonny Collantes noong July 1 ay kaagad ipinag utos sa kanyang police chief na ipatigil ang namamayagpag na STL – con jueteng operation na deka-dekadang nag -ooperate na pinapabayaan lamang ng tinalong Halili Administration.



Pero ilang linggo lamang ang nakalipas ay bumalik ang jueteng sa Tanauan City matapos mapabalitang isang gambling lord na nagngangalang OCAMPO ay nagdala ng isang bag ng pera sa city hall para daw sa isang mataas na opisyal ng Tanauan City government?

Ang bitbit na sandamakmak na kwarta ay ang goodwill o pasalubong na Php 5 milyon sa Tanauan City government official para payagan sina Ocampo at ang mahigit pa sa 30 mga kapwa nito iligalista para maipagpatuloy ang kanilang naunsyaming gambling at drug trade operation.

Simula noon ay lingguhan nang nagbibitbit si Ocampo ng Php 1.5 milyon na kung susumahin ay pumapatak sa Php 5 milyon kada buwan.

Ang mga tinatawag namang mga “kapustahan” (tong kolektor) ng top PNP official na pinangungunahan nina Timmy, Sgt. Adlawan, Sgt. De Guzman, Idolog, Sgt. Corpuz alyas Butch, Sgt. Marcial at iba pa ay weekly ring kumokolekta ng Php 1.5 milyon na katumbas din ng buwanang Php 5 milyon.

At ang nakakadismaya ay pati pangalan nina PDG Azurin Jr., PBG Nartatez Jr. opisina ng R4A CIDG at Provincial office at mga provincial director ay ipinangongolekta ng tong o intelhencia ng mga naturingang mga “kapustahan”.

Para maging pulido naman ang pagkakasibak kay ex-Tanauan City Police Chief, LtCol. Antonio Rotol Jr. ay itinaas daw ito sa puesto bilang Batangas Deputy PD ng kauupo lamang na Batangas PNP Provincial Director P/Col. Pedro Soliba. Pinalitan si Rotol Jr. ng dating Rosario, Batangas Police Chief,P/LtCol. Karlos Lanuza.

Ngunit “parang aso lamang na pinalitan ng kuwelyar” sa halip na maging mapayapa, maayos at maghari ang katahimikan sa nasabing lungsod sa ilalim ni LtCol.anuza ay lalong naging masahol ang operasyon ng STL-con jueteng at STL con drug sa Lungsod ng Tanauan na naging sanhi din lalo pang pagtaas ng krimen.

Sinabayan pa ng pa-jueteng ng grupo ni Ocampo, Ablao, Melchor, Cristy at iba pa ng harap-harapang pergalan (perya-sugalan) sa halos lahat na pangunahing lansangan ng makasaysayang siyudad ng beteranang operator na siya ngayong kinahuhumalingan ng mga menor de edad at kabataang mga estudyante sa high school at kolehiyo sa nasabing siyudad. Naging tambayan din ang mga pergalan na ito ng mga drug pusher at adik sa shabu na mga sugarol.

Bakit naaatim ni Mayor Collantes na magkasabay na mag-operate ang jueteng at ang pergalan na itinuturing na sugal ng mga mahihirap lalo na ng mga hikahos na taga-squatter area at ng itinuturing na mahirap sa pinakamahirap?

Ito ang sugal na color games, beto-beto, drop balls, skylab at iba pang bawal na table games, na di maitatayo kung di bahagi ng kalakaran at cash-unduan sa pagitan ng LGUs, lokal na kapulisan sa ilalim ni Lanuza at ng PNP Provincial Police Office?

Kung may bendisyon sina Mayor Collantes, Col. Soliba at LtCol. Lanuza sa operasyon ng STL-con jueteng at pergalan, sa Tanauan City, di malayong may basbas din dito sina Azurin Jr. at Nartatez Jr?

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com