Advertisers

Advertisers

2 nag-aplay ng NBI Clearance, buking sa rape case

0 207

Advertisers

DALAWANG indibidwal na may kasong rape ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Nueva Ecija.

Kinilala ang mga ito na sina Jose Jr. Bido y Lopez at Vincent Emmanuel Gan y De Guzman.

Kapwa sila dinakip ng mga operatiba ng NBI-Cabanatuan District Office (NBI-CABDO) nang mag-apply ng NBI Clearance.



Ayon kay NBI Clearance Quality Control, lumabas sa rekord na “wanted” si Bido sa kasong rape.

Sa koordinasyon sa RTC Branch 18, Bacoor, Cavite, nalaman ng NBI-CABDO ang naturang kaso sa criminal record ni Bido.

Sa kabilang banda, nag-aplay din ng NBI Clearance si Gan nang matuklasan na ‘at large’ ito sa kaso ring rape sa RTC Branch 23, Trece Martires, Cavite. (Jocelyn Domenden)