Advertisers
Ni WALLY PERALTA
AMINADO ang hunk Kapuso actor na si Jak Roberto na nahaharap siya ngayon sa isang matinding pangangailangan financially, hindi sa anupaman kundi para sa pagpapatayo ng bahay na kanyang pinangarap.
Kung matatandaan may biniling lote si Jak para patayuan ng kanyang dream house at ngayon nga ay tuloy na ang pagpapagawa ni Jak ng future home nila ng girlfriend n’yang si Barbie Forteza. Ngayong pa lang ay tila nahaharap sa isang matinding financial challenge si Jak.
“Ang ganda na ng bahay. Talagang pera na lang ang kulang,” say ni Jak.
Mas lalong naging inspired ngayon si Jak na magtrabaho nang magtrabaho para maipon ang perang kinakailangan niya sa pagpapatayo ng bahay.
“GMA, ilo-loan ko po sa inyo ito, e. Hahaha! Hindi, joke lang.
Guys, grabeng challenge itong tatalunin ko sa buhay ko. Kailangan talaga s’yang tutukan. “Kailangan ng mahabang mahabang pasensya hanggang sa matapos ’yong bahay mo. And kailangan talaga buo na sa’yo ’yong design, lahat, para hindi na hassle na pabagu-bago,” dagdag pang say ni Jak.
Hindi naman kaya pagkatapos mapatayo ang pangarap niyang bahay para sa kanila ng gf na si Barbie, pagpapakasal naman ang pag-ipunan ni Jak?
***
NAGLABAS na ng reaksyon ang Viva Artist Agency hinggil sa kinasasangkutang gulo ngayon sa pagitan nina Barbie Imperial at sex nymphet na si Debbie Garcia. Nag-file na nga ng tatlong reklamo si Debbie sa DoJ at ito ay mga slight physical injury, grave oral defamation, at grave slander by deed laban kay Barbie.
May kinalaman ito sa napaulat na naganap na verbal ang physical altercation sa dalawa sa loob ng isang pubhouse sa Quezon City. City. Nakuhanan ng CCTV ng nasabing bar ang bahagi ng pangyayari.
Sa kaguluhan na ito ay naglabas ng reaksyon ang Viva Artist Agency.
“Viva Artists Agency (VAA) does not condone any act of violence. VAA therefore fully supports its artist, Debbie Garcia, in taking legal action against her attacker in an incident of violence last October 28, 2022 (Friday) at a gastropub in Quezon City.
VAA believes that Debbie has been at the receiving end of physical and verbal attacks in the said incident. VAA however kindly asks the public to refrain from further circulating copies of the video recording of the said incident on social media and allow the matter to be resolved legally.