Advertisers

Advertisers

NILILIGALIG ANG JOMALIG?

0 1,975

Advertisers

Ang maliit na bayan ng islang JOMALIG ay NILILIGALIG ngayon sa SOCIAL MEDIA hinggil sa umano’y bababa na raw sa puwesto ang kasalukiyang alkalde ng kanilang bayan dahil pinaboran ng korte ang naging petisyon ng natalong dating MAYOR.

Hindi matanggap ng incumbent na si FORMER JOMALIG MAYOR RODEL ESPIRITU na tinalo siya ng bagito sa politika na si MAYOR NELMAR SARMIENTO sa mahigit 10 boto lamang.., kaya ang dating alkalde ay nagpetisyon sa korte at may desisyon na raw na ang nanalo ay ang nagpetisyon.

Teka.., hindi ako abogado pero bakit o may hurisdiksiyon ba ang REGIONAL TRIAL COURT para sa ELECTION PROTEST? Hindi ba COMELEC lang ang dapat manghawak.. sabagay may kainikaniyang abogado naman ang magkabilang panig para sila ang magbalitaktakan ng kanilang mga talino hinggil sa isyu.



Sa paghahabol ngayon ni FORMER MAYOR ESPIRITU ay nililinaw ni JOMALIG MAYOR SARMIENTO na wala raw pong katotohanan ang.mga ipinakakalat sa SOCIAL MEDIA na siya ay bababa na sa puwesto.

Kasi nga po, hindi pa raw pinale ang desisyon ng korte dahil may mga PETITION din ang kanilang panig at siyempre pa ay may bisa ang PROCLAMATION ng COMELEC na siya ang nanalo sa nakaraang halalan.

Para sa kanilang.mga CONSTITUENT ay narito po ang PAHAYAG PAGLILINAW ni MAYOR SAMIENTO;

PAHAYAG UKOL SA KUMAKALAT NA BALITA HINGGIL SA PAGBABA SA PWESTO NI MAYOR NELMAR T. SARMIENTO

Magandang araw po mga minamahal kong Jomaligins!



Ngayong araw po ay may mga kumakalat na balita sa social media hinggil sa naging desisyon ng korte sa election protest na isinampa ni dating mayor Rodel T. Espiritu.

Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na mga kababayan na ako pa rin po ang opisyal at kasalukuyang Mayor ng ating bayan. Ang naging pasya ng korte ay hindi pa final at executory sapagkat may pending Motion for Reconsideration na nakabinbin pa sa korte at ibang usapin tulad ng ballots tampering. Ako po at ang aking mga abogado ay naninindigan na sa bisa ng Oath of Office at COMELEC Proclamation noong May 10, 2022 na di pa naipapawalang bisa at kaugnay dito ay ang kaukulang apela sa COMELEC upang bigyang linaw ang decision ng korte.

Malinaw na ang ganitong pagkilos ay humihikayat ng kaguluhan sa ating lokal na pamahalaan at kalituhan sa mga mamamayan. Huwag po nating patulan ang mga ganitong malisyosong aksyon at balita. Ituon po natin ang ating lakas sa mga programa at hakbang na ginagawa ng ating bayan upang agaran na maka bangon ang ating mga kababayan bunga ng katatapos lamang na kalamidad.

Magka-isa po tayong lahat at asahan ninyo ang ibayo ko pang panglilingkod at pagbibigay ng agarang serbisyo sa lahat.

Maraming salamat po!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 885para sa inyo pong mga panig.