Advertisers

Advertisers

Pulis, 1 pa huli sa baril na walang permit

0 219

Advertisers

ARESTADO ang isang pulis at kasamang lalaki nang ingusong armado ng baril sa dilim at kumaripas nang sitahin sa Caloocan City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sina Police Staff Sergeant Gideon G. Geronga Jr., 44 anyos, nakatalaga sa Quezon City Police District-Station 16 (Pasong Putik), ng Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City; at Ulrick Waldemar S. Abaca alyas Lek-Lek, 34, ng nasabi ring barangay.

Nagpapatrolya ang mga operatiba ng Sub-Station 15 ng Caloocan City Police Sation 4:00 ng madaling araw ng Nobyembre 5 nang may magsumbong na may dalawang lalaki na may dalang baril sa bahagi ng Barangay 176, Bagong Silang.



Naabutan ng mga pulis sa lugar na nag-uusap ang dalawang lalaki. Ibinigay ni Geronga ang isang pistola kay Abaca. Inaresto ang mga ito.

Nakuha sa kanila ang .45 caliber pistol, tatlong magazine, 21 bala at Philippine National Police identification card ni Geronga.