Advertisers

Advertisers

QCinema 10, aarangkada na

0 223

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AARANGKADA na ang pinakahihintay na QCinema International Film Festival mula Nobyembre 17 hanggang 26 sa mga piling sinehan sa Kalakhang Maynila.
Sa ikasampung edisyon ngayong taon, ipalalabas ang 58 films kasama na ang anim na short film production grantees, full length features at shorts programs.
Dahil sa intense lineup, ang tema ng filmfest ay in10City kung saan mapapanood sa hybrid set-up ang mga kalahok na mga pelikula.
Ang Palme d’Or-winning class satire na Triangle of Sadness ni Ruben Östlund, na nagtatampok sa acclaimed Pinay actress na si Dolly de Leon ang magiging opening film.
Ang Venice Film Festival entry naman na To The North na idinirehe ng Romanian director na si Mihai Mincan at pinagbibidahan ni Soliman Cruz ang napiling closing film.
Kaabang-abang din ang mga kalahok sa Asian Next Wave competition section tulad ng Elehiya ni Loy Arcenas, na nagtatampok sa late iconic actress na si Cherie Gil sa kanyang huling pagganap.
Ang Cinemalaya 2022 Netpac awardee na 12 Weeks ni Anna Isabelle Matutina na pinagbibidahan ni Max Eigenmann ay kasama rin sa nabanggit na kategorya.
Ang iba pang films in competition ay ang Ajoomma ni Shuming He (Singapore), Plan 75 niChie Hayakawa (Japan), Return to Seoul ni Davy Chou (South Korea) Arnold is a Model Student ni Sorayos Sorayos Prapapan (Thailand) at Autobiography ni Makbul Mubarak (Indonesia).
Ang QCINEMA short films na nabigyan ng production grants na P350,000 bawat isa at magkakatunggali sa Pylon awards ay
Ang Pagliligtas sa Dalagang Bukid ni Jaime Morados, Bold Eagle ni Whammy Alcazaren, Luzonensis Mula 7 Hanggang 9 ni Glenn Barit, Mga Tigre ng Infanta ni Rocky De Guzman Morilla, Ngatta Naddaki y Nuang (Why did the Carabao cross the Carayan?) ni Austin Tan, at Sa Ilog na Hindi Nagtatapos ni JT Trinidad.
Sa exhibition section naman sa kategoryang Screen International , tampok ang Crimes of The Future ni David Cronenberg (Canada), EO ni Jerzy Skolimowski (Poland), Walk Up ni Hang Sang-soo (South Korea), I Have Electric Dreams ni Valentina Maurel (Costa Rica) , Holy Spider ni Ali Abbasi (Denmark), Corsage ni Marie Kreutzer (Austria) at Close ni Lukas Dhont ( Belgium)
Sa New Horizon category na nagbibigay pugay sa mga bagong director, mapapanood ang Saint Omer ni Alice Diop, Utama ni Alejandro Loayza Grisi, Next Sohee ni July Jung, The Ordinaries ni Sophie Linnenbaum, at Piaffe ni Anne Oren.
Sa Rainbow QC , tampok naman ang LGBTQIA+films na Joyland ni Saim Sadiq,
Angry Son ni Kasho Iizuka, You Can Live Forever nina Mark Slutsky at Sarah Watts, Stranger By The Lake ni Alain Guiraudie , Portrait of a Lady on Fire ni Céline Sciamma, Billie And Emma ni Samantha Lee at The Divide ni Catherine Corsinin.
Sa kategoryang RainbowQC Shorts ay mapapanood ang#QCShorts 2021 Best Picture I Get So Sad Sometimes ni Trishtan Perez, #QCShorts 2019 film Isang Daa’t Isang Mariposa ni Norvin delos Santos, 2021 silent film na Alingasngas ng mga Kuliglig ni Vahn Leinard Pascual, Dikit ni Gabriela Serrano at QCinema Asian Shorts film entry na How to Die Young in Manila ni Petersen Vargas May special screenings din ang mga obrang The Sales Girl ni Janchivdorj Sengedorj, Love Life ni Koji Fukada, The Damned Don’t Cry ni Fyzal Boulifa at When The Waves are Gone (Kapag Wala Nang Mga Alon) ni LavLav Diaz.
Tampok naman sa Midnight Series ang Mona Lisa and the Blood Moon ni Ana Lily Amirpour (USA), Huesera ni Michelle Garza Cervera (Peru, Mexico) at Nocebo ni Lorcan Finnegan (Ireland).
Sa digitally restored classics, mapapanood ang classic films na Itim ni Mike de Leon at In The Mood for Love ni Wong Kar-Wai.
Una ring mapapanood sa Advanced Screenings ang Nanny ni Nikyatu Jusu, Argentina, 1985 ni Santiago Mitre, She Said ni Maria Schrader at Bones and All ni Luca Guadagnino.
Ang QCinema 2022 theatrical screenings ay mapapanood sa Gateway, Trinoma, Cinema 76, SM North Edsa sa Quezon City at Power Plant Mall sa Makati City.
Ang online screenings naman ng shorts ay mapapanood sa pakikipagtulungan ng Vivamax.