Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAALIW ang netizens sa ibinahagi na post ni Marjorie Barretto sa kanyang socmed ng tatlo niyang anak na babae.
Nakipaglaro ng lutu-lutuan sina Julia at Claudia sa kanilang bunsong kapatid na si Erich.
Kahit ang mudra na si Marjorie ay aliw na aliw sa nakikitang pagba-bonding nang magsi-sissy.
Sinamahan nina Julia at Claudia ang bunsong sister sa paglalaro na parang bonding na nila.
Naging waitress si Julia at si Claudia ay customer at chef si Erich.
Kaya pati mga kaibigang celebrities ay napa-comment sa napakagandang bonding na ‘yun ng magkakapatid.
Dagdag pang komento ng netizens na maganda ang pagpapalaki ni Marjorie sa kanyang mga anak.
Kahit ang bf na si Gerald Anderson ni Julia ay naaliw din sa pagbabahagi na naglaro at nakipaglaro ng lutu-lutuan ang gf sa kanyang mga sissy.
***
HINDI raw dapat ilihim kung buntis na si Sarah Geronimo sa kanilang panganay ni Matteo Guidicelli.
Legal na kasal sina Sarah at Matteo noon pang February 20, 2020.
Nang humingi ng sorry si Sarah sa kanyang magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin, nag-espekulasyon ang netizens na buntis na ang singer.
Pero ayon sa malapit sa couple ay hindi pa raw buntis si Sarah sa mister na si Matteo.
At bakit naman daw ise-secret kung true eh isang malaking biyaya nga ang pagkakaroon ng supling.
Magandang balita rin ito sa mga magulang ni Sarah kung tutuusin dahil magkakaroon na sila ng apo.
Well, well, well…’Yun na!