Advertisers
Binabati natin mga prominenteng aktibong basketbolista na isinilang sa buwan ng Nobyembre.
Sa NBA ay kabilang dito sina Russell Westbrook, LiAngelo Ball at si Karl Anthony Towns.
Si Westbrook na maganda performance ngayon bilang bagong sixth man sa prangkisa ng mga Buss ay ipinanganak ika-12 ng buwang kasalukuyan 1988 sa Long Beach, California.
Amg utol naman ni Lonzo Ball ay ika-24 taong 1998 unang kumita ng liwanag sa Anaheim, California.
Ireng si Karl Anthony Towns ay akinse noong 1995 sa Edison, New Jersey niluwal ng kanyang ina.
Sa PBA ang mga may birthday ng November ay sina Kevin Alas – 13 (1991)sa Las Pinas, June Mar Fajardo na nagpapagaling sa isang surgery- 17 ( 1989) sa Compostela at Reynel Hugnatan na isa sa pinakamatanda sa liga – 3 (1979) sa Bacolod.
Sa mga retirado ay nandiyan ang mga hanggang ngayon ay sikat pa na sina Alvin Patrimonio na olat sa Cainta noong Mayo- 17 ( 1966) sa QC, Mark Caguioa na bumalik na sa USA – 19 (1979) sa San Juan at si Norman Black na kilalla na bilang coach at ama ni Aaron – 12 ( 1957) sa Baltimore, Maryland.
Mapagpalang kaarawan sa inyong lahat!
***
Kahit si LeBron James hindi sang-ayon sa komento na anti- Semitism ng kaibigan na si Kyrie Irving. Ang negatibong post sa Twitter ng kakampi noon sa Cleveland kontra sa mga Hudyo ay umani ng malawakang batikos mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang mismong Brooklyn Nets at ang NBA.
Nalagay kasi ng star guard ang link sa documentary film laban sa mga Jew sa kanyang social media account.
Humingi na ng paumanhin si Irving sa dinulot ng remark na iyon pero nasuspindi pa rin ng kanyang ballclub ng hindi bababa sa limang game. Nag-anunsyo rin ang Nets at kanilang may suot na jersey # 11 na magdodonate sila sa mga organisasyon na lumalaban sa ganitong uri ng mga pahayag.
Dahil sa kontrobersya ay lumabo na lalo ang napabalita na muling pagsasama nina James at Irving sa bakuran ng Lakers. Dati ay laman din ng news ang numero unong draftee taong 2011 kasi umayaw naman siya bakunahan ng anti- Covid. Kumukaunti na rin ang papayag na mga team na kunin ang 6-2 na pointguard matapos ang kontrata niya sa Brooklyn na sagad na pasensya sa kanilang superstar.