Advertisers

Advertisers

Pinaka-busy na mga senador na pang-2028!

0 218

Advertisers

SA kasalukuyang batch ng mga senador, ang nakikita nating pinaka-busy ay itong 1st termers na sina Raffy Tulfo at Robin Padilla. Sa old timers ay sina Risa Hontiveros, Imee Marcos at Bong Go. The rest, pork barrel lang ang tinututukan.

May naghahanap naman kay Senador Lito Lapid. Kung senador parin daw ba ito? Kasi hindi manlang nila ito nakikita kahit sa social media. Hindi rin naririnig kapag may senate inquiries. Hehehe…

Balikan natin sina Padilla at Tulfo. Talagang napakaingay ng dalawang ito lalo sa social media. Para ngang sila nalang ang senador ng Pilipinas. Pero gusto natin ang kanilang ginagawa, puros din naman sa kapakanan ng ating mga kababayan lalo sa mahihirap.



Lalo si Tulfo, bukod sa kanyang vlog na milyones ang followers ay tuloy parin ang kanyang programang nag-aayos ng problema ng magdyowa’t magkabit! at ng mga naaping manggagawa.

Dahil nga dating journalist si Tulfo, kabisado nya ang mga raket sa bawat kawanihan ng pamahalaan lalo sa DPWH at Customs, ang tinaguriang most corrupt govt. agencies.

Kabisado rin ni Tulfo ang “tongpats” sa mga iligal na sugal. You know!!!

Anyway, pinupuri natin sina Padilla at Tulfo sa pagiging aggressive senators. Sulit ang pasuweldo natin sa kanila. Baka makatsamba pa nga sila ‘pag pumalaot sa mas mataas na posisyon sa 2028. Dahil lalo silang napapamahal sa masa sa astig performance nila. Mismo!

Sa old timers, bilib tayo kina Risa, Imee at Bong Go. Talagang tuluy-tuloy ang kanilang pag-iingay at pagtulong sa mga nangangailangan mula noong unang termino nila.



Bale ikalawang termino ngayon ni Risa, pang-7 years niya. At mukhang kakasa ito ng Vice President o kaya’y President sa 2028 national elections.

Ito rin ang ika-7 taon ni Imee, na target din ang 2028 pagkatapos ng kanyang younger bro, PBBM.

Ito naman ang ika-4 na taon ni Bong Go na patuloy na sinusuportahan ng kanyang “Tatay Digong”, ang dating Presidente na ama ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

Hindi tumitigil si Tatay Digong sa pag-iingay, tuloy parin ang kanyang DDS at trolls sa social media. Tingin ko ay tinutulak niya si Bong Go para sa 2028. Puede!

Kaso si Inday Sara ay nakatingin narin sa highest position ng politika after ni PBBM.

Royal rumble ang 2028. Peks man!

***

Grabe! 13 inmates ang sangkot sa pagpapaslang kay Percy Lapid. Ang mga ito raw ang nagkontak sa killers sa labas at nag-ambagan sa P550,000 pambayad sa liquidation squad na pinamumunuan ni Joel Escoliar.

Sumuko sa pulisya si Escoliar nang isapubliko ng PNP ang kanyang mukha na nahagip ng CCTV 8:00 ng gabi matapos paslangin si Percy malapit sa gate ng subdivision sa Las Pinas City kungsaan umuuwi ang hard-hitting radio commentator at tabloid columnist noong Oktubre 3.

Napadali ang pagsuko ni Escoliar nang magkaroon ng P6.5 million reward sa makapagtuturo sa gunman.

Ang P6.5m reward ay mula sa ambagan nina DILG Sec. Benjur Abalos (K500K), Atty. Alex Lopez (P1-M), at House Speaker Martin Romualdez (P5M).

Sa masusing imbestigasyon ng joint forces ng NBI at PNP, lumutang ang pangalan ni supended BuCor Director Gerald Bantag as person of interest bilang mastermind.

Si Bantag ay madalas upukan ni Percy sa kanyang programang ‘Lapid Fire’ sa DWBL at sa kanyang vlog.

Nitong Lunes sinampahan ng murder charges sa DoJ si Bantag at 13 inmates. Tutukan!