Advertisers
Nananawagan si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa mga magulang na residente ng Taguig na ang pinakamagandang regalo sa kanilang anak na sanggol na 0 hanggang 23 buwang gulang ay ang pagbabakuna.
Ito ang paghihikayat na pahayag ni Mayor Cayetano sa mga ina ng mga sanggol na dumalo sa pag-arankada ng 10 day vax baby vax na inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD).
Umarangkada na ngayong araw sa Lakeshore Hall, C6-Lower Bicutan, lungsod ng Taguig ang sampung araw na vax baby vax o pagbabakuna sa mga sanggol na pinangunahan ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD).
Target na mabakunahan ang 137,048 infants mula 0 hanggang 23 buwang gulang ng bakuna kontra polio, measles, mumps, rubella, diphtheria, at hepatitis B.
Umaasa si Mayor Cayetano na mahihigitan pa nila ang target 9,155 na sanggol na mabakunahan sa lungsod ng Taguig. (CESAR MORALES)