Advertisers
SA history ng Philippine Sports, Olympics Silver medalist at boxing legend si MANSUETO “ONYOK” VELASCO na nagbigay-karangalan sa bansa. Maagang nagretiro sa boksing si ONYOK at nakapasok sa showbiz, hindi katulad ni MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO na nag-artista rin at nagrecord pa ng ilang kanta pero hindi ganap namakapagretiro kahit marami na ring pundasyon, financial-wise at sa estado ng pamumuhay, boxing icon turned senator lang naman, huwag isnabin.
Open book na maraming assets si PACMAN, maraming investments sa bansa hanggang abroad. In fact, hirit ang bashing netizens na nagtatapon lang ng pera at ‘nagpapasikat’ ang asawang si JINKEE sa social media sa pagpopost ng branded bags and clothings habang taggutom sa maraming households at di makasunod sa taas ng bilihin sa bansa, mula bigas at sibuyas hanggang sa matinding presyong prime commodities.
Si ONYOK, masasabing hindi nakaangat. Ano na kaya ang development sa follow-up niya sa mga pangakong incentives ng gobyerno,so far, walang ingay after over a year ng alingasngas. Huwag sabihing hindi kasali si ONYOK sa problema sa inflation.
“Yung sa congress na dapat 2.5 M at saka yungscholarship ng anak ko sa Philippine Navy, iyon ang hindi ibinibigay, Humingi ako ng tulong kay Sen. BONG GO para makuha ko ang ipinangako sa akin ng Kongreso..pero sabi nya wala raw kasulatan yun, pangako lang ng mga congressman na hindi natupad.”
Wala nga kayang paraan kung masasabi mang walang habol officially si ONYOK? Biktima nga lang ba siya ng pangakong nakapako nalumang tugtugin na sa asal ng ilang pulitiko? Kapag ganito ang imahe ng mga mahilig sumakay sa hot issues ng sports victory ng atleta, ano ang aasahan, siyempre lumang tugtugin at gasgas na rin ang linyang ganito. Sa broken promises ng politicians, huwag na sanang isali ang athletes, sobrang nakadidismaya at nakasisira ng imaheng pulitiko.
Pang-ilan si ONYOK sa masasabing biktima? Tuloy ang sigaw, BANGON PILIPINAS!
“PILIPINO AT PILIPINAS ANG GAMITIN”
– KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
MARAMING nag-alanganin sa ilang pagbabago sa panuntunan ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO tungkol sa paggamit ngFILIPINO at PILIPINO, FILIPINAS at PILIPINAS.
Paalala ni Dr. ARTHUR P. CASANOVA, Tagapangulo ng KWF, mga superbisor at mga guro ang may malaking responsibilidad sapagtuturo at pagpapaliwanag. PILIPINO ang tamang gamit sa mamamayan atPILIPINAS para sa bansa. Ang dating materyales na gamit ang FILIPINOat FILIPINAS ay hindi itatapon ani CASANOVA. ‘..Napakaraming batayangaklat, sangguniang aklat, mga babasahin at module ang may baybay na Fsa halip na P na ginamit sa loob ng 7 taon, 2013-2020, Enero. Hindiyun itatapon dahil malaking pera ang maitatapon kung gagawin ito.
Idiniin ni CASANOVA na ang mga batayang aklat atkauri ay nababago para sa paglinang sa kurikulum ng ‘Basic Education”.
Samantala, ginawaran kamakailan ng parangal ang Lungsod ng Mandaluyong at Lungsod ng Taguig sa pagpapairal ng tamang paggamit nito sa mga korespondensiya. Sana po ay makatulong ito sa ating kaalaman.
NOVEMBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to Mam CARINA SAGANA MUSNI of PROVINCIALMANPOWER TRAINING CENTER in Cabanatuan, Nueva Ecija, to SAMUEL ANDERSRIVERA ALEJO of Quezon City and to IEAN CHAD SANTOS of Bataan. Morebirthdays and blessings. HAPPY READING!