Advertisers

Advertisers

Motornaper bulagta sa barilan

0 173

Advertisers

Patay ang isang lalaki na nagnakaw ng motorsiklo nang makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Barangay Sta. Monica, Novaliches, Quezon City nitong Martes, Nobyembre 8.

Sa ulat, hindi pa kilala ang napatay na suspek at inilarawan ito na may taas na 5’4”, slim ang katawan, maputi at may naka-tattoo na “Lito Gomez” sa kanang braso at “Edwin Ching” sa likod. Nakasuot umano

ito ng itim na hoody jacket at brown short pants.



Ayon sa report, isang Ronan Lamadora Samonte ang nag-report sa pulisya na inagaw ng dalawang suspek ang kanyang motorsiklo sa panulukan ng Dhalia St. at Walnut St. sa Barangay Fairview, Quezon City 1:15 ng madaling araw ng Martes.

Kasama ang biktima, nagtungo ang pulisya sa lugar kung saan nangyari ang pang-aagaw ng motorsiklo at nakita ang dalawang lalaki na nakasakay sa dalawang motorsiklo. Isa sa motorsiklo ang pag-aari ng biktima.

Nang sisitahin ng mga awtoridad ang mga suspek, pinasibad umano ng mga ito ang motorsiklo at nagkaroon ng habulan hanggang sa makorner ang mga ito sa Mindanao Ave. Extension sa Barangay Sta. Monica, Novaliches, Quezon City. Pagbaba ng mga pulis sa kanilang sasakyan pinaputukan ang mga ito ng isa sa mga suspek.

Tinamaan umano ang isang pulis pero nakasuot ito ng bullet-proof vest. Gumanti ng putok ang pulisya hanggang sa mapatay ang suspek. Sa kasagsagan ng putukan, nagawang tumakas ng kasamahan nito.

Narekober sa crime scene ang isang Sanyang Motor (SYM), isang Honda Click motorcycle, at ang .38-caliber revolver ng suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">