Advertisers
Dead-on-the-spot ang isang rider at masuwerteng namang nakaligtas ang angkas nito nang sumalpok ang sinasakyan nilang motor sa 10-wheeler truck sa Aurora Boulevard, Quezon City.
Sa inisyal na impormasyon ng mga awtoridad, magpinsan ang dalawang biktima na pauwi sa Anonas.
Ayon sa report, bigla umanong kumaliwa ang truck na pa-San Juan City galing Cubao hanggang sa magtagpo ang dalawang sasakyan sa intersection ng Aurora Blvd. at Araneta Avenue sa Brgy. Imelda.
Sumalpok sa likurang bahagi ng truck ang motorsiklo na naging resulta ng pagkamatay ng rider. Sugat naman sa ulo, braso at binti ang tinamo ng angkas ng motor na blanko sa nangyari.
Ang driver ng trak sinubukan pa umanong tumakas pero naabutan ng mga pulis. Depensa niya, natakot lang siya na masaktan ng taumbayan.
Napag-alaman ng mga awtoridad na sa bawal na likuan lumiko ang truck.
Na-turn over na sa traffic sector ng QCPD ang kaso.
Nahaharap sa patung-patong na kaso ang driver ng trak kabilang na ang reckless imprudence resulting in homicide at physical injury.