Advertisers
Upang makatulong sa pagtugon sa graft at kurapsyon ay nag-file si Quezon City District 1 (QCD1) Representative Arjo Atayde ng panukalang batas na naglalayong ibukod ang mga opisyal ng gobyerno at sa mga nasasakupan ng Republic Act 1405 o bank secrecy law.
Sa amyendang ito, lahat ng mga opisyal ng gobyerno at mga empleyado, ano man ang uri ng kanilang opisina, ay hindi mapapasailalim ng pagiging kumpidensyal na isinasaad ng RA 1405 sa lahat ng mga deposito sa mga bangko kasama na rito ang mga investment sa mga government bonds.