Advertisers

Advertisers

Ex-Pres. Duterte nilinis ng DOJ sa Lapid murder

0 188

Advertisers

WALANG nakitang ebidensya ang Department of Justice (DOJ) na mag-uugnay kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Percy Lapid killing.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, haka-haka lamang ng mga kritiko ng dating administrasyon na posibleng may kinalaman sa nasabing krimen ang dating pangulo.

Sinabi ni Remulla na maging ang mga testigo ay walang nabanggit na pangalan ng dating presidente.



Sa kabila nito, sinisilip ng DOJ ang anggulo na posibleng may iba pang mastermind sa Lapid killing bukod kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Tinutukoy na rin ng DOJ at ng Anti-Money Laundering Council ang pinagmulan ng pera na pinambayad kay Joel Estorial, ang bumaril kay Lapid.

Giit naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, walang motibo si dating Pangulong Duterte na ipapatay si Lapid lalo ngayon na wala na ito sa posisyon at kahit pa kabilang ito sa 160 “persons of interests” na tinukoy ng mga awtoridad na mga tinuligsa ni Lapid sa kanyang programa.

Aniya, kung talagang gustong ipapaslang ni Duterte si Lapid bakit hindi noon ito ginawa na siya pa ang presidente at nasa kanya pa ang lahat ng kapangyarihan at resources.

Kung political career naman ang pag-uusapan, wala na aniya nito ang dating pangulo dahil nagretiro na nga kaya malayong ito ang motibo.



Dagdag pa ni Dela Rosa, sa “degree of interests” palang tulad ng motibo, instruments at opportunity wala na nito si Duterte.

Sinabi pa ng senador na hindi rin dapat tumigil sa paghahanap ng mga salarin ang mga awtoridad lalo na kung may makita silang bagong anggulo ngunit kung wala naman na matapos masampahan na ng kasong murder sina Bantag at iba pa kawawa naman ang ibang nadadamay lang sa kaso.