Advertisers

Advertisers

Mojack balik entertainment scene sa US via Sing & Laugh concert

0 870

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAKATUTOK na ngayon si Mojack sa kanyang preparation sa pagbabalik sa entertainment scene sa Amerika sa pamamagitan ng Sing & Laugh with Mojack, A Dinner Concert na magaganap sa darating na December 3, Saturday, 7pm onwards.
Ang venue ay sa Red Dragon Express, 14920 Perris Blvd, Unit #125 Moreno Valley Ca. 92553 USA.
Kilala si Mojack sa husay as a performer, hindi lang sa kantahan kundi maging sa comedy. Riot na performer siya kumbaga, kaya hindi dapat palagpasin ang concert niyang ito.
Ano ang dapat asahan sa concert niyang ito?
Sagot ni Mojack, “Sa mga kakantahin ko po, asahan nila na nandyan ang mga kanta ni Blakdyak tulad ng “Noon at Ngayon” “Inlab” “Hayop Na Combo” “Good Boy” at ang Triple platinum nyang “Modelong Charing” from the original na kantang Bikining Itim.”
Dagdag pa ng talented na singer/composer/comedian, “Dito po ay solo lang po ako na walang guest, sa dahilang gusto ng karamihan na makita ang aking estilo ng pagkanta at pagpapatawa, at sa halagang 40 dollars po lamang, kasama na po ang hapunan dito.”
Pagpapatuloy pa ng talented na entertainer, “Wala pong producer at direktor dito, kundi kami-kami po ang nagtulong-tulong para mabuo ang konsiyertong ito kasama ang may-ari ng Red Dragon na si Miriam at Kuya Jay, ang kaibigan nila and very supportive kong pinsan na si Rosalyn Saria, at ang mabait na DJ na si DjMastershock.
“Nakakatuwa ang mga kababayan nating Filipino dahil suportado nila ang nalalapit ko ngang pagtatanghal at maraming nagpapareserba na ng kanilang mga tiket, kahit malalayo po sila.
“Gabi po ito ng kantahan at katatawanan and yes kuya, two hours show po ito and after ng primetime ko, they can do a sing a long po. So, sa mga mahilig kumanta ay puwede po silang kumanta,” pahayag pa ni Mojack.
Si Mojack ay isang multi-awarded na entertainer na lumabas din sa pelikula at nakagawa ng ilang super-kuwelang single.