Advertisers

Advertisers

Luis asiwa na magpaseksi sa edad na 42

0 259

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI inakala ni Sue Ramirez na ang dating pinapanood niya lang sa telebisyon at iniidolo na si Richard Gutierrez ay makakasama niya sa isang serye at siya pa ang leading lady nito.
Ang naturang serye ay “The Iron Heart” set to premiere on November 14. This will be aired on TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV, iWantTFC, TFC (The Filipino Channel), ABS-CBN Entertainment YouTube channel, and other social media platforms of the Kapamilya Network. Makakasama rin ng dalawa sina Maja Salvador, Meryll Soriano, Jake Cuenca, Sofia Andres, Baron Giesler, Althea Ruedas, Dimples Romana, and Pepe Herrera.
“Nakakaloka talaga! Hindi ko inii-expect sa buong buhay ko. I’m very very grateful. Kaya sana po suportahan at panoorin niyong lahat ang Iron Heart,” say ni Sue.
Kung si Sue ay super excited, si Richard naman ay super preparation ang ginawa bago pa man simulan ang taping ng kanilang bagong serye.
“So I always try to enter shows like this kumbaga fully prepared. Naka-mindset ako prepared yung katawan ko,” say naman ni Richard.
***
AMINADO ang sexy actor na si Adrian Alandy na kakaiba ang kanyang naramdaman nang alukin muli siyang lumabas sa isang sexy film, sa “Kara Krus” na ang kanyang leading lady ay si Denise Esteban in a dual role.
“Mahirap maging komportable sa ganon, I cannot say that you know all the time nasa condition ‘yung katawan ko. Lalo na for my age, forty-two na rin eh, hindi na rin ka ano ‘yung metabolism ko,” say ni Adrian.
Kahit may alinlangan sa sarlli sa pagpapaseksi ay tinanggap pa rin ni Adrian ang alok.
“Ang hirap masabi kapag ganitong mga role eh. Actually, this project just landed on my lap, last minute lang. So originally, I wasn’t the actor supposed to be playing doon sa role. Pero, thankful ako na when it was offered to me, inimprove ng Viva, and nagampanan ko naman siguro kung ano ‘yung gusto ni Direk doon sa character, kasi very little time talaga to prepare for the role.
“Thankful din ako in a way na okay din ‘yung pangangatawan ko dahil noon sa pandemic, nakakapagwork-out din naman ako, for my age,” dagdag na say pa rni Adrian.