Advertisers

Advertisers

Transport workers, micro-biz owners sa Iloilo inayudahan ni Bong Go

0 187

Advertisers

Personal na nakiisa si Senator Christopher “Bong” Go sa inagurasyon at turnover ng transport terminal saka pinangunahan ang relief activity para sa mga transport worker sa Balasan, Iloilo.

Ang bagong transport terminal sa bayan ng Balasan ay isa sa mga proyektong sinuportahan ni Go para makatulong sa pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo publiko sa lalawigan ng Iloilo.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Go na patuloy ang pamahalaan sa pagbalanse sa interes ng sektor ng pampublikong transportasyon at commuters upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pandemya.



“Alam ko mahirap ang panahon ngayon at nasa krisis tayo dulot ng COVID-19. Maraming nawalan ng trabaho at nagsara na negosyo. Siyempre, uunahin natin palagi ang kalusugan at buhay ng bawat Pilipino. Patuloy lang tayong magtulungan, magbayanihan at magmalasakit sa ating kapwa Pilipino. Ginagawa ng gobyerno ang lahat para malampasan natin ang mga krisis na ito,” ayon kay Go.

Pagkatapos ng seremonya, nagbigay ang senador at ang kanyang grupo ng grocery packs, bitamina, masks, pagkain at kamiseta sa 300 transport workers. Namigay rin sila ng mga bisikleta, cellular phone, sapatos, relo, at bola para sa basketball at volleyball sa mga piling indibidwal.

Pinasalamatan ni Go ang Department of Social Welfare and Development sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong transport workers.

Binanggit ng senador na mayroong apat na Malasakit Centers sa lalawigan ng Iloilo kung saan ang mga mahihirap na pasyente ay madaling makatatanggap ng tulong medikal mula sa gobyerno.

Ang Malasakit Centers sa lalawigan ay matatagpuan sa Western Visayas Medical Center at West Visayas State University Medical Center, kapwa sa Iloilo City; Don Jose D. Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo; at Western Visayas Sanitarium sa Sta. Barbara.



Upang higit na mapahusay ang access sa abot-kaya ngunit dekalidad na serbisyong pangkalusugan, sinuportahan din ni Go ang pagtatayo ng Super Health Center sa Iloilo City, at ang mga bayan ng Carles, Igbaras, Maasin, Pavia at Sara, gayundin sa Anilao, na personal na ininspeksyon ni Go noong araw na iyon.

“Gusto kong palakasin pa ang ating health care system dahil hindi natin alam kung ito na ba ang huling pandemya na darating sa buhay natin,” paliwanag ng senador.

Matapos pasinayaan ang transport terminal at tulungan ang mga trabahador sa Balasan, Iloilo, tumuloy si Go sa Estancia para personal na inspeksyunin ang bagong pampublikong pamilihan ng bayan na ang pondo ay suportado ng senador.

Personal na pinangunahan ni Go ang isang relief activity para sa mga micro-business owners na nahihirapan pa rin sa epekto ng pandemya ng COVID-19.

Nagbigay din ang Department of Social Welfare and Development ng tulong pangkabuhayan sa mga kuwalipikadong micro-entrepreneur para mapalago pa ang kanilang maliliit na negosyo.

Sa pagtataguyod para sa pinalakas na suporta sa MSME, naghain ang senador sa ika-19 Kongreso ng panukalang nag-institusyonal sa programang “One Town, One Product” (OTOP) ng Department of Trade and Industry upang mapalakas at isulong ang innovation sa mga micro-entrepreneur.

Ang OTOP ay isang programang nagbibigay ng tulong para MSMEs at nagsusulong ng mga kalakal at produkto ng mga bayan, lungsod at rehiyon ng Filipino.

Noong araw ding iyon, pinangunahan ni Go, kasama ang kapwa senador na si Robinhood Padilla, ang relief effort sa mga biktima ng bagyo sa Roxas City, Capiz.