Advertisers

Advertisers

Rob Guinto sexiest movie ang ‘Showroom’

0 1,460

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

AMINADO ang Vivamax sexy star na si Rob Guinto na ang pelikulang Showroom ang sexiest na nagawa niya.
Esplika ni Rob, “Pagdating sa mga love scene na ginagawa ko sa pelikula, everytime na nagla-love scene ako, talagang kinakabahan pa rin ako, hindi naman nawawala iyon.
“Ito pong Showroom, masasabi kong sexiest movie ko, so far. Kasi, lalo na, na may nakita roon sa eksena or love scene namin ni Kit, iyong sa hall way. So abangan nyo po sa movie, panoorin nyo po ang movie para makita nyo, hahaha!”
Nagkuwento rin si Rob ukol sa kanilang pelikula na hinggil sa ibang klase ng prostitusyon na nangyayari sa daigdig ng real estate.
Aniya, “Sa movie po namin na Showroom, ako rito si Susan na may anak na may sakit, si Ysay…bale gagawin ko ang lahat para maipagamot siya. Kahit na alam kong ang trabahong iyon ay puwedeng makaapekto sa akin. Yes, mapipilitan akong sumabak sa parang monkey business at magbenta ng laman dito. Kumbaga, kapit sa patalim po kasi ang sitwasyon, eh.”
Esplika pa ni Rob, “Kami rito ni Quinn, magkakompitensiya, kasi ay naiinis siya sa akin. Kasi ay parang nalalamangan ko si Liezel (Quinn) dahil ang bilis kong makuha ang mga bagay na gusto ko. Samantalang siya, kailangang kumayod nang husto para makuha ang gusto niya,
“Hindi niya alam na kaya ko pala nakukuha ang mga bagay na gusto ko dahil may nangyayaring kakaiba, yung parang monkey business po, kumbaga,” sambit pa ng magandang talent ni Lito de Guzman
Inusisa namin si Rob kung ano ang reaction niya dahil marami ang pumuri sa acting nila rito ni Quinn, kasama na ang respetadong veteran columnist na si Kuya Mario Bautista?
“Siyempre po, talagang nakakataba ng puso kasi alam naman natin na si Sir Mario ay bihira lang magtanong at bihirang pumuri, kaya nakakataba ng puso na pinuri niya ang acting namin dito ni Quinn,” masayang wika ni Rob.
Mula sa pamamahala ni Direk Carlo Obispo at sa panulat ni Quinn, ang Showroom ay mapapanood na ngayon sa Vivamax. Ito ay sa ilalim ng produksiyon ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at ng Viva Films. Kasama nila sa pelikula sina Kit Thompson, Emilio Garcia, Paolo Rivero, AJ Oteyza, Itan Rosales, Nico Loco, at iba pa.