Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI lingid sa kaalaman ng marami na si Kim Chiu ay galing sa isang reality show na PBB.
At sa ngayon ay grabe ang pagka-busy nito na bukod sa kanyang online selling ay regular din napapanood sa Its Showtime.
Kung Sunday ay sumasayaw-sayaw pa si Kim.
As in, grabe ang pagka-hectic ng iskedyul ng dyowa ni Xian Lim sa kanyang career at business.
Kaya tanong ng netizens, may time pa ba sila ni Xian na kanyang bf na mag bonding o mag-date.
Naku, mukhang ang hula ng netizens ay baka magkatotoo na mawalan na ng time si Kim sa bf.
Bukod sa dalawang regular show at online business, eto’t may bagong offer kay Kim to host a program na reality show din.
Kaya naman aminado ang singer- actress-TV host na kinakabahan ito o dinadaga ang kanyang dibdib.
At bakit di naman ito kakabahan ay solo hosting ito sa bagong reality show at wala siyang katuwang.
Grab nga raw ni Kim ang opportunity at magkakaalaman kung kaya nito magsolo mag-host.
Pero nangangamba ang fans na mawawalan na ito ng oras kay Xian dahil magiging abala na ang aktres sa araw araw.
***
SA ipinost ng celebrity couple sa kanilang socmed sa AKF or Animal Kingdom Foundation sa Capas, Tarlac.
Kita na tila aliw na aliw ang mag- asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang pagdalaw sa AKF.
Knows naman na pet lovers ang dalawa at bago pa man sila ikasal noong February 2020 ay may kanya kanya na silang alaga.
Kaya nung magsama na sila ay talagang may mga alaga na silang aso.
Hindi naman kaila sa netizens na itinuring na nina Sarah at Matteo na kanilang anak ang mga alagang aso na sina 04, Dakota at Theodore.
Madalas makikita sa socmed na kasama lagi ng couple ang kanilang alagang mga aso.
Kaya suwerte ng 3 dogs dahil love sila nina Sarah at Matteo
Hindi naman siguro magbabago ang pagiging pet lovers nina Sarah at Matteo if ever magkaroon na sila ng supling sa mga darating na panahon.
Well, well, well…’Yun na!