Advertisers

Advertisers

Dos at Siyete nag-collab sa balik-tambalan nina Jodi at Richard

0 201

Advertisers

Ni BETH GELENA

BINULGAR ni Snooky Serna na siya dapat ang gumanap bilang Madame Claudia sa ‘Pangako Sa’Yo.’
Sa vlog ng aktres at gumawa ng content na “Never Have I Ever”
Isa sa naitanong sa kanya ay kung may tinanggihan siyang protekto na pinagsisihan niya.
Dito na nagkwento si Snooky, aniya, nakapasa na siya sa audition para sa role ni Madame Claudia sa ‘Pangako Sa’Yo.’
Pero, nagkaroon siya ng personal problem kaya hindi siya nakapag-workshop at napalitan nga siya ni Jean Garcia. Aminado ang aktres na pinanghinayangan niya na hindi siya tumuloy sa workshop matapos niyang makapasa sa audition.
Gayunpaman, masaya raw siya para kay Jean na pumalit sa kanya.
“Yung pumalit sa akin, ngayon ho isa na sa pinakamalaking bituin sa larangan po ng telebisyon. And I’m very happy for her, honestly. Ito po ay si Ms. Jean Garcia.”
Ang pagganap ni Jean bilang si Madame Claudia Buenaventura ay tumatak sa televiewers at maituturing na isa sa pinaka-iconic na pagganap ng aktres.
Naibahagi rin ni Snooky ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dati niyang asawa, ang aktor na si Ricardo Cepeda. Aniya, ang dahilan umano ng paghihiwalay nila ay ang mental illness umano niya.
Dumagdag din sa kanilang naging problema ang problema sa pinansiyal.
Samantala, tungkol naman umano sa kanyang relasyon sa dating Bulacan Vice Governor na si Ramon Villarama hndi pa umano sila maikakasal dahil sa kanilang relihiyon. Miyembro ng Iglesia ni Cristo ang aktres at kailangan umano niyang maakay ang karelasyon sa kanilang paniniwala at bukas umano si Villarama tungkol sa bagay na ito.
***
TIKTOK VIDEO NINA JEAN AT KOTARO VIRAL
Kinagiliwan ng netizens ang TikTok video ni Jean Garcia kasama ang gwapong anak na si Kotaro. Viral ang nasabing TikTok video ni Jean with her handsome son na umabot na sa 1.4 million views.
Sa video ay makikitang sumasayaw gracefully ang Kapuso actress kasama si Kotaro.
Nagreak ang netizens sa galawan ng mag-ina.
Ang mga kababaihan ay pinagpantasyahan na sana ay makasayaw din daw sila ni Kotaro.
Si Kotaro ay anak ni Jean sa partner na Japanese businessman.
Ang panganay niya ay si Jennica Garcia na isa ring aktres sa kanyang first husband na si Jigo Garcia na isa ring dating aktor.
If gusto ring pasukin ni Kotaro ang showbiz, ayon kay Jean handa raw niyang suportahan ang anak.
***
ANG unang collaboration project ng Kapamilya at Kapuso Networks ay ang balik-tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.
Nagkasundo na ang dalawang kampo sa pagsasanib-pwersa nina Jodi at Richard na unang nagtambal sa Be Careful With My Heart na ilang taon ding tumagal sa ere sa ilalim ng Kapamilya Network.
Marami ang natuwa na sa kabila ng war networks noong may prangkisa pa ang ABS-CBN ay nagka-oportunidad na magkasundo ang dalawang network.
Wala pang nilalabas na pahayag ang dalawang network sa iba pang detalye ng Jodi-Richard balik tambalan.
Pruweba ang kumakalat sa social media na mga larawang kuha mula sa pagpupulong na dinaluhan nina Chief Operating Officer for Broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes at ni Atty. Annette Gozon-Valdes na Senior Vice President naman ng GMA.
Maganda ang desisyon ng ABS-CBN na makipag-collab sa Kapuso nang sa nabibigyan din nila ng work ang iba nilang Kapamilya talent.